News Releases

English | Tagalog

Bantay Bata 163, nagpapasalamat sa suporta ng mga Kapamilya

October 11, 2018 AT 11:04 AM

Bantay Bata 163, thankful for Kapamilya support

After receiving overwhelming love and support from kapamilyas at the ABS-CBN Ball, Bantay Bata 163 is now focused on the much-awaited relaunch of the Children Village in Norzagaray, Bulacan this November.

Kapamilya stars, nanawagan laban sa child abuse

Matapos makatanggap ng mainit na suporta at pagmamahal mula sa mga Kapamilya sa ABS-CBN Ball, nakatutok na ngayon ang Bantay Bata 163 sa paghahanda sa muling pagbubukas ng Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan ngayong Nobyembre.  

Ayon sa Bantay Bata 163 program director na si Jing Castaneda, patuloy ang pagsasaayos ng Children’s Village, na unang inilunsad noong 2003. Sa mas pinagandang pasilidad at programa, maaari nang manatili rito ang mas marami pang biktima ng child abuse upang sila ay mabigyan ng lakas at kakayahan upang maging matatag na miyembro ng komunidad. Lubos ang pasasalamat ni Jing sa mga sumusuporta sa proyektong ito.

“Hindi ito maisasagawa kung wala ang donasyon ng mga indibidwal at organisasyon, ang lokal na gobyerno ng Quezon City sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista, at ang mga Kapamilyang nangakong susuportahan nila ito,” aniya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Jing sa ABS-CBN Ball, na ibinida ang adbokasiya ng Bantay Bata 163 laban sa pang-aabuso sa pamamagitan ng “Share the Love” na tagline nito at ang pagsusuot ng mga artista ng asul na laso.

“Kahit mistulang maliit lang na bagay ang pagsusuot ng ribbon, malaki na ang magagawa nito para sa adbokasiya natin,” sabi ni Jing. “Sa ating patuloy na pagtutulungan, kaya nating lumaban sa pang-aabuso sa mga bata at maligtas sila dito.”

Halos 300 na Kapamilya stars ang dumalo sa ABS-CBN Ball, kung saan inilunsad rin ang kampanya para sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village. Karamihan ng mga pumunta ay nag-suot ng asul na ribbon para ipakita ang suporta nila at palawakin ang adbokasiya ng proyektong ito.

Maaaring mag donate, volunteer, o sumali sa mga programa ng Bantay Bata 163 sa pamamagitan ng 1-6-3 hotline. Maaari rin mag-donate sa www.abs-cbnfoundation.com o sa mga alkansya ng Bata 163 sa iba’t ibang lugar.

Sa pagdiriwang ng ika-21 na anibersaryo ng Bantay Bata 163 ngayong taon, patuloy pa itong pinalalakas upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataang Pilipino sa iba’t ibang klase ng pangaabuso. Para sa impormasyon tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @abscbnfoundationkapamilya sa Facebook. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.