News Releases

English | Tagalog

MGA BASKETBOLISTA, KASALI SA “THE SCORE”

October 12, 2018 AT 01:55 PM

CAGERS ADD SPICE TO NEW “THE SCORE”

Pro ballers Joe Devance and Beau Belga join "The Score's" sports squad to make the program livelier and more fun!

Simula Oktubre, napapanood na ang mas pinaigting na “The Score” sa ABS-CBN S+A kasama ang bagong anchor na si Mico Halili at ang kanyang sports squad na na binubuo ng mga batikang atleta tulad nina Joe Devance at Beau Belga at mga alamat na sina Allan Caidic at Jimmy Alapag.
 
Maliban sa kanila, magbabahagi rin kanilang kaalaman sa basketball at volleyball sina Jett Manuel, Jai Reyes, L.A. Tenorio, Chris Newsome, Pao Javelona, Eric Menk, Gretchen Ho, at Michele Gumabao sa bagong “The Score” na napapanood na Lunes hanggang Biyernes ng 1 pm sa ABS-CBN Sports Youtube channel at 6 pm sa primetime sa S+A at S+A HD.
 
Pabirong hinalintulad ni Devance ang sarili niya sa mga Amerikanong artista na sina Will Smith at Denzel Washington sa ginanap na press conference para ilunsad ang programa. Dagdag pa niya, “I think this is what I’m meant to do with my life, be on TV (Sa palagay ko, ito ang nakatalaga para sa akin sa buhay ko, ang mapanood sa TV).”
 
Para naman kay Beau Belga, na kilala sa pagiging brusko sa loob ng court, oportunidad ito para makatrabaho ang kapwa niya manlalaro at ipakita kung paano sila sa labas ng court. “Nung nakita ko yung lineup ng makakasama, andun yung mababait, tapos sasamahan mo ng makulit, magiging maayos yung concept ng programa, kaya sabi ko sige sali ako.”
 
Ayon kay Halili, isang beteranong sports anchor at analyst, malalim na pagintindi sa basketball ang makukuha ng mga manonood sa kanyang bagong “teammates” sa “The Score” tulad ni Beau.
 
“May dalang praktikal na kaalaman si Beau at makikita ng mga manonood kung ano nga ba ang basketball sa punto de bista ni Beau Belga,” aniya.
 
Ganun din ang aasahan kay Joe, na siyam na beses nang nagkakampeon sa professional league.
 
Sa bagong “The Score,” malaking bahagi ang social media, sapagkat maaari ring mapanood ang mga panayam at feature sa “The Score” sa Facebook, Twitter, at Instagram.
 
“Pangako namin na pag-uusapan namin kung ano man ang pinag-uusapan ng fans. Sisiguraduhin naming parte ang fans ng aming programa, nasaan man sila,” sabi niya.
 
Kakaibang mga segment ang aasahan ng mga manonood sa bagong “The Score.” Tuwing Lunes at Biyernes, makakasama ni Halili ang mga analyst upang talakayin ang maiinit na isyu sa sports. Tuwing Martes at Miyerkules naman, may one-on-one interview tampok ang mga sikat na personalidad sa sports. Pag Huwebes, tututok naman ang “The Score” sa basketball kasama ang mga propesyonal na basketbolista. Andiyan pa rin ang sports news at mga espesyal na segment na ihahatid naman nina Vince Velasco at Victor Anastacio.
 
Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE