News Releases

English | Tagalog

“’DI KA PASISIIL” DOKYU NG ABS-CBN NEWS, PANALO NG GINTO SA CANNES

October 15, 2018 AT 04:28 PM

ABS-CBN News’ “‘Di Ka Pasisiil” docu wins PH’s 1st Gold Dolphin in Cannes

ABS-CBN made history as it won the Philippines’ first Gold Dolphin award from the prestigious Cannes Corporate Media & TV Awards in France for the documentary “’Di Ka Pasisiil” on the Marawi Siege.

 Jeff at Chiara, umani ng parangal


 
Napanalunan ng ABS-CBN News ang kauna-unahang Gold Dolphin ng Pilipinas mula sa Cannes Corporate Media & TV Awards sa France para sa dokumentaryong “’Di Ka Pasisiil” tungkol sa gyera sa Marawi.
 
Tampok sa dokumentaryo ng ABS-CBN News DocuCentral ang iba’t ibang kwento ng hirap at sakripisyo ng mga sundalo at residente noong kasagsagan ng putukan sa Marawi. Dumalaw sa France sina Jeff Canoy at Chiara Zambrano, na nagbalita noon mula sa Marawi, para tanggapin ang parangal.
 
Nagbigay-pugay ang dalawa sa sipag, tiyaga, kagitingan, at diskarte ng lahat ng mga Pilipinong mamahayag.
 
“This is recognition for the hard work of all journalists - it is our honor to be in your ranks,” sabi ni Chiara sa isang Instagram post. “Let's keep fighting the good fight, striving for excellence in bravery, never forgetting the Filipino people for whom we do this.” (“Ito ay para sa lahat ng ng mga mamamahayag na Pilipino. Ituloy natin ang laban, at huwag natin kalimutan na lahat ng ginagawa natin ay para sa kapwa nating Pilipino.”)
 
Inihandog rin nila ang parangal para sa mga taga Marawi.
 
“This one’s for you, Marawi,” sabi ni Jeff sa kanyang Instagram post. “The war is over but your story is far from over. We’re not perfect but we’re here: the Filipino journalists who will continue to give their very best to make sure that tomorrow will be a bit better than yesterday.” (“Tapos na ang gyera ngunit simula pa lang ng kwento ninyo. Hindi kami perpekto pero andito kaming mga mamahayag para ikwento ang pinagdaraanan ninyo sa buong mundo at makabangon ulit ang Marawi.”)
 
Pangatlong parangal na ito ng “’Di Ka Pasisiil” mula sa ibang bansa. Nakapanalo ito ng gold medal sa New York Festivals nitong Abril at Certificate of Creative Excellence sa 2018 US International Film & Video Festival Awards kamakailan lang. Ginawaran din ito ng Best Documentary Special award ng Gawad Tanglaw at PMPC Star Awards kamakailan lang.
 
Nanalo rin si Jeff ng first prize sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa kategoryang English Essay para sa sanaysay niyang “’Buhay pa kami’: Dispatches from Marawi,” honorable mention sa Excellence in Explanatory Reporting mula sa Society of Publishers in Asia’s (SOPA) 2018, at ginawara ng Marshall McLuhan fellowship, mula sa embahada ng Canada. Napapanood si Jeff bilang host ng “Red Alert” sa ABS-CBN na panalo bilang Best TV Public Service Program sa Golden Dove Awards 2018, at sa “Red Alert sa DZMM." Napapanood rin siya sa “Umagang Kay Ganda” Lunes hanggang Biyernes ng umaga sa ABS-CBN. 
 
Samantala, napabilang si Chiara bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardees noong 2017 para sa kanyang mga nagawa sa industriyang Journalism at Mass Communication. Kasalukuyan siyang nasa United Kingdom matapos mabigyan ng Chevening Scholarship sa United Kingdom.
 
Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram pumunta sawww.abscbnpr.com.
 
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE