News Releases

English | Tagalog

Mga modernong bayani, pinarangalan ng DZMM at TFC sa "Global Pinoy Idol"

October 02, 2018 AT 02:39 PM

DzMM and TFC honor modern-day Filipino heroes in “Global Pinoy Idol”

A nurse, a makeup artist, a doctor, IT professionals, and educators—seven overseas Filipinos who overcame various difficulties and triumphed in their respective careers while helping their kababayans were recognized for upholding the bayanihan spirit in “Global Pinoy Idol” launched this year by DZMM TeleRadyo, ABS-CBN News, and The Filipino Channel (TFC).

 Matteo, Enchong, at Erich dumalaw sa Dubai

 

Kinilala ang galing at serbisyo ng pitong overseas Filipino worker (OFW) na naglilingkod sa kapwa Pinoy sa ngalan ng bayanihan sa ginanap na “Global Pinoy Idol” ng DZMM TeleRadyo, ABS-CBN News, at The Filipino Channel (TFC) kamakailan lang.

Dalawa sa kanila ang negosyanteng sina Rene Tillaman Ali at Leo Barrameda na tumutulong sa ibang Pinoy makapagpundar ng sariling negosyo.

Libreng edukasyon at tutoring para sa nars at caregiver ang hatid ni Veronice Saha, samantalang libreng serbisyong medikal at mga gamot naman ang binibigay ni Dr. Joel Villanueva.

Samantala, ang IT professionals na sina Fortunato Esguerra at Andrew Santos naman ay naglalaan ng oras sa pagbibigay ng libreng computer training at tulong pinansyal upang mas mapabuti ang buhay ng mga kababayan.

Para sa human resources professional naman na si Dr. Rommel Sergio, libreng counselling ang alay niya sa mga kababayang nangungulila sa pamilya o nakararanas ng depresyon at scholarship sa mga batang nangangailangan sa Pilipinas.

Pinarangalan ang pitong “Global Pinoy Idol” sa Dubai noong Setyembre 7 sa unang bahagi ng “Global Pinoy Idol 2018.” Layunin nitong magsilbing inspirasyon para itaguyod ang bayanihan at kooperasyon sa mga Pilipinong nasa ibang bansa at  maglingkod ng serbisyo sa kanila.

Nagkaroon din ng mga aktibidad tulad ng mga seminar tungkol sa karera at trabaho, pangangalaga at pagpapalago ng pera, buhay mag-asawa, at pamilya. May mga libreng konsultasyon rin sa mga serbisyong legal, SSS,  at Pag-Ibig na hatid ng Philippine Consulate sa Dubai, at bazaar. Dumalaw rin sa Dubai para magpasaya sina Zen Hernandez ng ABS-CBN News, Ahwel Paz ng DZMM,  at mga Kapamilya stars na sina Matteo Guidicelli, Enchong Dee, at Erich Gonzales.

Paparangalan ang mga susunod na “Global Pinoy Idol” sa London, England ngayong Nobyembre.

Maaaring panoorin ang mga magagandang kwento ng Global Pinoy Idols sa “Headline Pilipinas” sa DZMM TeleRadyo Lunes hanggang Biyernes ng 12:30 pm. Para sa mga balita at update sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter o pumunta sa news.abs-cbn.com/dzmm. Para sa mga update sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.

Para sa mga update tungkol sa susunod na TFC event, pumunta sa Para sa mga update tungkol sa susunod na TFC event, pumunta sa emea.kapamilya.com o facebook.com/TFCEurope, at sundan ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.