The first-ever female idol group in the Philippines—MNL48—has released the much-awaited music video “Talulot ng Sakura” on the country’s number one music channel, MYX.
Mapapanood na ang inaabangang music video ng female idol group na MNL48, ang “Talulot ng Sakura,” sa numero unong music channel sa bansa, ang MYX.
Tampok ang mga Senbatsu members ng sing-and-dance group na sina Sheki, Abby, Sela, Tin, Alice, Ella, Ash, Gabb, Jem, Sayaka, Faith, Lara, Grace, Quincy, Alyssa, at Erica sa nasabing video na kinuhanan sa Movie Stars Café at sa La Mesa Eco Park.
Nagbigay inspirasyon dito ang official music video ng “Sakuara no Hanabiratachi,” ang awiting mula sa sister group ng MNL48, ang tanyag na AKB48 ng Japan.
Si Tetsuya Hashi ang nagdirek ng video, na nagtatampok ng mensahe ng kanta na tuloy tuloy ang pagbabago at dapat harapin ang hinaharap ng walang inaalala.
Bahagi ang “Talulot ng Sakura” sa debut album ng MNL48 na iprinodyus ng Star Music sa pakikipag-ugnayan sa Hallo Hallo Entertainment.
Abangan ang bagong music video ng MNL48 sa MYX. Mapapanood ang music channel sa ABS-CBN TVplus channel 12, SKYcable channel 23, at sa SKYdirect channel 37. Pwede na ring ma-download ang “Talulot ng Sakura” single sa digital stores. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.