News Releases

English | Tagalog

Limang semifinalists pangmalakasan ang bakbakan sa “Tawag ng Tanghalan" semifinals

October 03, 2018 AT 11:10 AM

Five semifinalists battle for vocal supremacy in “Tawag ng Tanghalan" semifinals

The first five semifinalists of “Tawag ng Tanghalan’s” third year will prove that they deserve a spot in the grand finals in the week-long Quarter 1 semifinals of “Tawag ng Tanghalan” in “It’s Showtime.”


Nag-umpisa na ng tagisan ng galing ng limang semifinalists na muling magpapatunay sa kanilang husay upang makatuntong sa grand finals sa week-long Quarter 1semifinals ng “Tawag ng Tanghalan Year 3” sa “It’s Showtime.”

Nagtapat-tapat na simula noong Lunes (Oktubre 1) ang contenders na kinanta ang kanilang mga pangmalakasang piyesa upang makuha ang boto ng mga hurado at madlang people.

Patuloy nga sa kanyang pangarap si John Mark Digamon ng Mindanao, na una na ring sumali at nabigo noong 2016. Ngayong isa na siya sa mga semifinalist, hindi niya na pakakawalan ang pagkakataong makamit ang kanyang pangarap at makagawa ng marka sa industriya.

Hindi naman padaraig ang isa pang pambato ng Mindanao na si Jophil Cece na ikinabubuhay ang pagiging isang mangangahoy. Ang talento niya ang kanyang magiging instrumento upang iahon ang mga magulang mula sa hirap at makuha ang trono ng tanghalan.

Mula rin sa Mindanao ang trending contender at kauna-unahang “TNT Record Holder” na si Elaine Duran na bata pa lamang ay lumalaban na para sa pangarap. Hindi niya sasayangin ang mainit na suportang kanyang natatanggap ngayong isa hakbang na lang siya patungong grand finals.

Dala-dala naman ni Windimie Yntong ang bandera ng Visayas na iniaalay ang laban para sa kanyang ina. Bitbit ang pangaral at bilin ng kanyang nanay, makikipaglaban siya gamit ang kanyang buong puso upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Lalaban din para sa Visayas si Ranillo Enriquez na nagsisilbing inspirasyon sa paglaban ang kanyang anak at naniniwalang nakatakda siyang maging isang kilalang mang-aawit na magpapahanga sa buong mundo.
Upang makapasok sa grand finals, kailangan nilang pabilbin ang mga hurado at madlang people na pagmumulan ng tig-50% ng kanilang total scores.

Isa na nga kaya sa kanila ang idedeklarang “TNT” Year 3 grand champion?

Para suportahan ang paboritong contenders, iboto sila sa pamamagitan ng pag-text ng TAWAG (space) (Name of Semifinalist) at i-send ito sa 2366 para sa lahat ngnetworks (P1 per vote). Maaari lang makapagpadala ng isang boto ang bawat SIM card kada araw.

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ngprograma, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.