ABS-CBN’s new streaming service iWant marks its official launch on November 17 with a slew of original shows and movies.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/bI9WT1G8t78" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Mga orihinal na programa at pelikula ang handog ng bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant na tiyak aabangan at tututukan simula Nobyembre 17 kasabay ng opisyal na paglulunsad nito.
Sa bagong iWant, maaaring mapanood nang libre ng users sa loob ng bansa ang mga palabas sa iOS at Android apps o sa pamamagitan ng web browser. Sigurado namang mae-enjoy rin ang mga kapana-panabik na palabas na ito na papatok sa panlasa ng bawat user.
Maglalagablab ang iWant sa inaabangang pelikulang “Glorious,” kung saan tampok ang maiinit na eksena at nakaka-in love na May-December relationship nina Glory (Angel Aquino) at Niko (Tony Labrusca). Matapos makapagtala ng 14 milyong views wala pang isang linggo matapos itong ipalabas, mapapanood na ang kwento ng dalawang taong ipaglalaban ang kanilang relasyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga pananaw, agwat sa edad, at ang panghuhusga ng kanilang pamilya at komunidad.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/GckNM9V7PPY" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Muli ring mapapanood sa iWant ang isang seryeng nilikha ni Chito Roño sa pagbabalik nito bilang “Spirits Reawaken,” na susundan ang adventures ng anim na teenagers na madidiskubre ang kanilang mga kapangyarihan upang mailigtas ang mundo mula sa mga alien. Dadalhin naman ng serye ang iWant users sa 90s, at pagbibidahan ng young stars na sina Grae Fernandez, Kira Balinger, Jairus Aquino, Bugoy Cariño, Patrick Quiroz, at Chantal Videla sa direksyon ni Topel Lee.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/vU01vaXanlI" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Sampung episodes naman ng anthology series na “Alamat ng Ano” ang magpapatawa at magpapakiliti sa imahinasyon ng mga manonood. Sa show, tatalakayin ang pinagmulan ng mga ordinaryong bagay sa nakaaliw na paraan sa pagkekwento ng madaldal na barangay tanod (Jobert Austria) at ng sidekick (Nonong Ballinan) niya. Mapapanood din dito ang pinakamakikinang na online stars, kabilang na sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, at Melai Cantiveros.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/5pfDgPZs4HU" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Kabilang din sa line-up ng iWant ang horror film na “Ma” na iikot sa kwento ng batang si Samuel (Kyle Espiritu). Sa murang edad, sisiklab ang kasamaan niya dahil sa kagustuhang mabuhay muli ang namayapang ina (Glydel Mercardo).
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/PBvD6R8NhO0" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Dapat ding abangan sa iWant ang fashion at travel vlogger na si Laureen Uy sa show niyang "Laureen on a Budget," kung saan hahamunin niya ang sariling mag-ayos ng outfit o kwarto nang hindi gumagastos nang malaki. Sa bawat episode, makakasama ni Laureen ang isang special guest upang turuan ang mga manonood na magtipid at mag-budget habang nanatiling "fashown."
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/gbG-dZKRZIw" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>
Linggo-linggo namang magsasama-sama sina MOR 101.9 DJ Jhai Ho, TV Patrol entertainment reporter na si MJ Felipe, at online sweetheart at TV headwriter na si Darla Sauler upang pag-usapan at kumpirmahin ang pinakamaiinit na showbiz chika, live na live sa “IKR (I Know Right?!).” Mapapanood sila tuwing 9PM tuwing Biyernes.
Para mapanood ang mga palabas na ito, kailangan lang nilang mag-download ng bagong iWant app at libre silang makaka-register dito. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app sa Nobyembre 17.
Bukod sa mga mga ito, marami pang orihinal na programa at pelikula ang ekslusibong mapapanood sa iWant, kabilang na ang espesyal na digital show para sa “Star Hunt” tampok ang mga promising Filipino talent.
Patuloy namang mapapanood sa iWant ang mga paboritong show at pelikula ng mga Kapamilya, restored movie classics, fastcut versions ng mga umeereng Kapamilya teleserye, at Asianovelas, kabilang na ang back-to-back na “Meteor Garden” China at ang orihinal nitong Taiwanese version.
Para sa karagdagang updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.