News Releases

English | Tagalog

BVR, tatapusin ang taon sa "BVR On Tour December Open 2018"

December 13, 2018 AT 12:39 PM

BVR celebrates breakout year with "BVR On Tour December Open 2018"

BVR celebrates a breakout year by holding the "BVR On Tour December Open 2018"

Magsisilbing selebrasyon para sa isang matagumpay na taon para sa Beach Volleyball Republic (BVR) ang kanilang espesyal na “BVR On Tour December Open 2018” na torneyo na gaganapin sa SM Sands By The Bay simula Biyernes (December 14) hanggang Linggo (December 16) tampok ang ilan sa pinakamagaling sa beach volleyball sa bansa. Mapapanood ang mga laban sa Linggo sa ABS-CBN Sports Youtube channel simula 5 pm.
 
Bibida para sa Women’s Division sina Fille Cainglet at Kyla Atienza ng Creamline, Jonah Sabete at Cienne Cruz ng PetroGazz, Bea Tan at Dzi Gervacio ng BanKo Perlas 1, at Gen Eslapor at Babylove Barbon ng UST-Maynilad 1, Derie Virtusio at Mary Joelene Ebro ng UST-Maynilad 2, Roma Joy Doromal at Kly Orillaneda ng NU-Boysen, Mary Ann Pantino at Jossa Cabalsa ng Philippine Air Force 1, Khaa Andres at Angel Antepuesto ng Philippine Air Force 2, Jonna Mae Delima at Arjean Dumlao ng RTU, at Kathy Bersola at Mary Antonette Landicho ng Malaya Business Insight.
 
Mangunguna naman sa Men’s Division sina Ranran Abdilla at Jesse Lopez ng Air Force, Edward Camposano at James Buytrago ng NU-Boysen, Fauzi Ismail at Edward Bonono ng Cignal HD 1, pati ang pares nina “Doc Volleyball” AJ Pareja at Greg Utupo ng PLDT 2 para sa Men’s Division. Kukumpleto sa mga kalahok sina Joshua Barrica at Jason Uy ng Army, Karl Baysa at Josh Villanueva ng Cignal HD 2, Anthony Arbasto at KR Guzman ng Tiger Winx, Rancel Varga at Efraem Dimaculangan ng UST-Maynilad, Philip Bagalay at Brian Tan ng Fury Ritemed, Edwin Tolentino at Ricci Gonzales ng Malaya Business Insight, Henry Pecana at Mark Alfafara ng PLDT 1, at Mike Shavrak at Mike Abria ng Wildcard.
 
Tatanggap ng aabot sa P30,000 ang mananalo sa men’s at women’s divisions, habang P20,000 at P10,000 namang ang makukuha ng first at second runner-up. Magaganap din sa darating na weekend ang Sandroots program ng BVR kung saan nagbibigay sila ng beach volleyball workshop at ang celebrity games tampok ang tulad nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.
 
Napakamatagumpay na taon ang 2018 para sa BVR, na nakapagtaguyod ng siyam na tig-dalawang araw na torneo, kung saan binisita nila ang mga probinsya at magagandang dalampasigan nito tuald ng Ikthus beach, Ilocos Sur, White Beach, Puerto Galera, Sta. Ana Cagayan, Bantayan Cebu, Blue Beach Dagupan, Legaspi, Gran Ola Surigao, Lio Beach El Nido, and Dumaguete, maliban pa sa pagdaos ng National Championship tourney at FIVB Beach Volleyball World Tour leg.
 
Ayon kay Bea Tan, isa sa mga nagpundar para sa BVR, buong-puso silang nagpapasalamat sa mga tumutulong sa kanilang organisasyon at mga atleta na naniniwala sa misyon ng BVR. Para sa darating na 2019, patuloy na magdaraos ng mga torneo at volleyball clinics ang BVR ayon kay Tan para sa pangarap nilang kilalanin ang Pilipinas bilang “Asia’s hub for beach volleyball.”
 
Huwag palampasin ang nagbabagang aksyon sa buhanginan sa “BVR On Tour December Open 2018” sa SM Sands By The Bay sa Biyernes (Disyembre 14) hanggang Linggo (Disyembre 16) Panoorin ang mga laban ng LIVE sa ABS-CBN Sports Youtube channel sa Linggo (Disyembre 16) simula 5 pm.
 
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Maaari ding sundan ang @BeachVolleyballRepbulic sa Facebook at Instagram, at @bvr_ph sa Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE