News Releases

English | Tagalog

Arjo, Yves, at Sue isasakripisyo ang sarili para kina Sylvia at Teresa sa "Hanggang Saan"

April 17, 2018 AT 05:34 PM

Arjo, Yves, Sue sacrifice their lives for Sylvia, Teresa in "Hanggang Saan"

The lead cast of "Hanggang Saan" during the series' finale presscon where they gave a sneak peek on the Kapamilya show's much anticipated finale.

Hanggang saan nga ba matutumbasan ng anak ang lahat ng sakripisyo ng kanyang ina upang makamit ang hustisyang kanilang inaasam?
 
Ito na ang pagkakataon nina Paco (Arjo Atayde), Domeng (Yves Flores), at Anna (Sue Ramirez) na ipakita ang wagas nilang pagmamahal para sa kanilang mga inang sina Sonya (Sylvia Sanchez) at Jean (Teresa Loyzaga) ngayong ang ina naman nila ang malalagay sa bingit ng peligro sa huling dalawang linggo ng “Hanggang Saan.”
 
Hindi magiging hadlang ang rehas upang maisakatuparan ni Jacob (Ariel Rivera) ang kanyang paghihiganti dahil ipasusunog niya ang bahay ni Sonya at pasasabugin ang isang gusaling kinaroroonan ni Paco upang siguraduhing mawala sa landas niya ang lahat ng hahadlang sa kanyang mga plano.
 
Magiging mahirap din ang daan tungo sa hustisya ni Jean dahil nakatakda na ring madiskubre ni Jacob na siya ay buhay pa at nagpanggap lamang na patay upang subukang sirain ang lahat ng mga balak nito.
 
Ito ang magiging pinakamalaking pagsubok bilang mga anak kina Paco, Domeng, at Anna dahil ang mga ina naman nilang dating nagbibigay sa kanila ng lakas ang kanila namang tutulungang bumangon at lumaban upang makalaya sa gapos ng kasinungalingan.
 
Paano nga kaya mapapabagsak ng mag-iinang sina Sonya, Paco, Domeng, Jean, at Anna si Jacob?
 
Mula nang umere ang “Hanggang Saan” sa telebisyon, patuloy na itong inuulan ng papuri mula sa mga manonood para sa nakaaantig at kakaibang kwento nito. Kinabibiliban din tuwing hapon ang mahusay na pagganap ng cast nito, kaya naman araw-araw itong inaabangan at nangunguna sa national TV ratings.
 
“Walang katulad ang ‘Hanggang Saan.’ Ito lang ang serye na pinag-iisip talaga ang mga tao. Hindi rin ito predictable at logical ang twists. Upgrade ito sa mga teleserye ng ABS-CBN,” sabi ng Twitter user na si @powra_.
 
“Walang perpektong pamilya o magulang, pero mayroong wagas na pagmamahal. Ang pagmamahal ng isang ina na gagawin ang lahat para sa ating kaligtasan,” sabi naman ni @chrisardimer.
 
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng “Hanggang Saan” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.