News Releases

English | Tagalog

Mga dokumentaryo tungkol sa pagbabaha sa UST at kakaibang pamilya palabas sa Knowledge Channel

April 18, 2018 AT 11:50 AM

Knowledge Channel airs documentaries on history of UST flooding and an unusual family

LNU students’ “Kupkop” tells the story of Lola Ansing, a woman in a provincial town in Leyte who proves that family can come in many forms. Viewers will hear the story of Lola Ansing’s unusual family made up of neighbors she took under her wing—young children and elderly neighbors whom she cares for like family.

Gawa ng mga mag-aaral ng UST at Leyte Normal University tampok

Tampok ang mga dokumentaryong likha ng mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng taun-taong pagbaha sa University of Santo Tomas at ang kwento ng isang bayani na may kakaibang pamilya sa “Class Project: Winners Festival” ng YeY Channel ng ABS-CBN TVplus ngayong Biyernes (April 20) ng 7:30 PM.

 

Kasama dito ang mga likha ng mag-aaral buhat sa University of Santo Tomas at Leyte Normal University.

 

Sa “Usapang Balangay” ng mga mag-aaral ng UST, ibabahagi ang kasaysayan o maaring naging sanhii ng walang kamatayang pagbabaha ng unibersidad tuwing tag-ulan. Makikita dito ang mga pinagmulan ng unibersidad, na itinayo sa isang patag na lupa na dating taniman ng palay, at aaralin ang pinakadahilan ng mga baha na ito.

 

Samantala sa “Kupkop” ng LNU, mapapanood ang kwento ni Lola Ansing, isang matandang dalaga sa Leyte na nahpakilala ng kanyang kakaibang pamilya. Para kay Lola Ansing, ang pamilya niya ay binubuo ng mga bata at matatanda na wala nang ibang umaalaga.

 

Sinimulan ang “Class Project Winners Festival” noong Abril 6 ng 7:30 pm sa pagpapalabas ng nag-waging dokyumentaryo ng De La Salle University-Dasmarinas na “Lupang Pinangako: Mga Rizalista ng Ronggot.” Tungkol ito sa isang komunidad na naniniwalang isang diyos ang pambansang bayaning si Jose Rizal. Kasunod nito ang “Basilica” ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Laguna na pumangalawa sa kompetisyon sa pagtalakay nito sa mga isyung nakapaligid sa national historical shrine na Taal Basilica.

 

Inilunsad ng ABS-CBN, Knowledge Channel, at Philippine Association of Communication Educators Foundation, Inc. (PACE) ang “Class Project” noong Agosto 2017 upang linangin ang husay at pagiging malikhain ng mga estudyante sa paggawa ng mga de-kalidad na dokyumentaro.

Nagsagawa rin ang ABS-CBN ng “Docu Caravan” sa UST at Holy Angel University sa Pampanga kasama ang Knowledge Channel at ABS-CBN Integrated News & Current Affairs kung saan ibinahagi ni Jeff Canoy ng ABS-CBN News kung paano nila ginawa ang dokumentaryong “Di Ka Pasisiil” na tungkol sa kaguluhan sa Marawi.

Panoorin ang “Class Project Winners Festival” na tampok ang sampung finalist ng “Class Project Intercollegiate Mini-Documentary Competition” simula Biyernes (Abril 6) ng 7:30 pm sa cable o ABS-CBN TVplus. Para sa karagdagang impormasyon puntahan ang www.knowledgechannel.org o sundan ang @kchonline sa Twitter at @knowledgechannel sa Facebook.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE