News Releases

English | Tagalog

Mga kwento ng pagtataguyod sa pamilya tampok sa Knowledge Channel

April 26, 2018 AT 11:30 AM

Knowledge Channel airs stories of hope found in two enterprising family men

Two enterprising family men who strive to support their families through creative means are featured this week on Knowledge Channel’s “Class Project: Winners’ Festival,” as it airs documentaries by budding filmmakers from Angelicum College and Batangas State University-Lipa this Friday, April 27 at 7:30 pm.

Masidhing pagsubok sa buhay na pinagdaanan ng isang ama at isang tumatayong ama ang tampok sa mga dokumentaryong likha ng mga mag-aaral mula sa Angelicum College at Batangas State University sa “Class Project: Winners Festival” ng YeY Channel ng ABS-CBN TVplus ngayong Biyernes (April 27) ng 7:30 PM.

 

Sa “tSUPER,” na likha ng mag-aaral ng Angelicum College, ibabahagi ang kwento ni Roderic, isang taxi driver na nagpursige magbenta ng home-made peanut butter para dagdagan ang kanyang kita. Dahil sa isang pasahero na naisipang ibahagi sa social media ang kwento ni Roderic, nakayanan niyang bayaran ang pangangailangan ng anak niya noong naospital sa neonatal intensive care unit.

 

Samantala sa “Gulong” ng Batangas State University, mapapanood ang kwento ni Cristopher, isang teenager na tumayong padre de pamilya matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nangako siya na kailanman hindi magugutom ang kaniyang ina at mga kapatid, kaya nagtrabaho siya bilang vulcanizer habang nagtatapos ng high school.

 

Sinimulan ang “Class Project Winners Festival” noong Abril 6 ng 7:30 pm sa pag-ere ng nagwaging dokyumentaryo ng De La Salle University-Dasmarinas na “Lupang Pinangako: Mga Rizalista ng Ronggot,” tungkol sa isang komunidad na naniniwalang isang diyos ang pambansang bayaning si Jose Rizal. Kasunod nito ang “Basilica” ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Laguna na pumangalawa sa kompetisyon sa pagtalakay nito sa mga isyung nakapaligid sa national historical shrine na Taal Basilica.

 

Inilunsad ng ABS-CBN, Knowledge Channel, at Philippine Association of Communication Educators Foundation, Inc. (PACE) ang “Class Project” noong Agosto 2017 upang linangin ang husay at pagiging malikhain ng mga estudyante sa paggawa ng mga de-kalidad na dokyumentaro.

 

Nagsagawa rin ang ABS-CBN ng “Docu Caravan” sa UST at Holy Angel University sa Pampanga kasama ang Knowledge Channel at ABS-CBN Integrated News & Current Affairs kung saan ibinahagi ni Jeff Canoy ng ABS-CBN News kung paano nila ginawa ang dokumentaryong “Di Ka Pasisiil” na tungkol sa kaguluhan sa Marawi.

 

Panoorin ang “Class Project Winners Festival” na tampok ang sampung finalist ng “Class Project Intercollegiate Mini-Documentary Competition” simula Biyernes (Abril 6) ng 7:30 pm sa cable o ABS-CBN TVplus. Para sa karagdagang impormasyon puntahan ang www.knowledgechannel.org o sundan ang @kchonline sa Twitter at @knowledgechannel sa Facebook.