News Releases

English | Tagalog

Mga alamat ng UAAP, sama-sama sa“The Legacy of Greatness” special ng ABS-CBN Sports

May 15, 2018 AT 03:41 PM

UAAP Greats assemble in ABS-CBN Sports' "The Legacy of Greatness" online special

UAAP greats, led by Alyssa Valdez, assemble in an online exclusive dubbed "The Legacy of Greatness."

Pagsasama-samahin ng ABS-CBN Sports ang mga bigating pangalan sa kasaysayan ng UAAP para sa isang eksklusibong panayam bago ang pasasara ng UAAP Season 80 bukas (Mayo 16) sa Far Eastern University (FEU) Auditorium.
 
Mapapanood sa pamamagitan ng livestreaming ang “The Legacy of Greatness” sa sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports Youtube channel, at ABS-CBN Sports Facebook simula 2 pm tampok ang mga alamat sa UAAP tulad ng volleyball phenom ng Ateneo De Manila University at kapitana ngayon ng Creamline Cool Smashers na si Alyssa Valdez at ang dating pambato ng UP Lady Fighting Maroons na si Rep. Pia Cayetano.
 
Naroon din ang dating UST Golden Tigress at kasalukuyang batikang analyst na si Mozzy Ravena, ang dating De La Salle University Lady Spiker na si Manilla Santos-Ng, na una at tanging babaeng atleta na niretiro ang uniporme ng kanyang eskwelahan. Kasama nila ang iba pang dating hari at reyna sa kani-kanilang disiplina tulad ni Gelo Alolino na kapitan ng National University (NU) Bulldogs, si University of the East (UE) fencing coach Rolando Canlas Jr. na naglaro rin noon para sa UE, ang 8-peat softball coach at two-time SEA Games gold medalist na si Ana Santiago ng Adamson University (AdU), pati na rin ang kauna-unahang babaeng grandmaster ng bansa at UAAP Season 77 Athlete of the Year na si Janelle Mae Frayna  mula sa host ng Season 80 na FEU.
 
Magsisilbing host sina ABS-CBN Sports digital head Mico Halili at “Upfront” host Janeena Chan sa naturang online special kung saan magbabalik-tanaw ang mga kinikilalang alamat ng UAAP sa kanilang mga naging laban at tagumpay sa kanilang panahon. Tatalakayin din ang mga pagbabagong nangyari sa UAAP. Bukod pa riyan, sasagutin din nila sa programa ang mga tanong mula sa kanilang fans sa Twitter.
 
Panoorin ang online exclusive ng ABS-CBN Sports na “The Legacy of Greatness” sa sports.abs-cbn.com, ABS-CBN Sports Youtube channel, at sa ABS-CBN Sports Facebook page ng 2 pm na susundan ng seremonya para sa pagsasara ng UAAP Season 80 sa ganap na 4:30 pm naman. Makilahok sa usapan sa social media sa pag-tweet gamit ang hashtag na #UAAPS80GoForGreat.
 
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.