South Korea and the Philippines may be miles apart, but the same love for music, romance, food, and beauty bring both countries together. That is what ABS-CBN reporter Marie Lozano learned while doing the ABS-CBN’s documentary “Hallyu and I,” which airs this Sunday (May 20) on ABS-CBN’s Sunday’s Best after “Gandang Gabi Vice” and on Wednesday (May 23) at 8 pm on ANC, the ABS-CBN News Channel.
Malayo man ang South Korea sa Pilipinas, naipaglalapit naman ang dalawang bansa ng pagmamahal sa musika, pag-ibig, pagkain, at pagpapaganda. Ito ang natutunan ng ABS-CBN reporter na si Marie Lozano sa kanyang pagpasyal sa South Korea para sa dokumentaryong “Hallyu and I” ng ABS-CBN DocuCentral na mapapanood ngayong Linggo (Mayo 20) sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice.”
Samahan si Marie sa pagbisita sa mga lugar kung saan kinunan ang mga sikat na Korean drama series tulad ng “Goblin,” na dalawang beses ipinalabas sa ABS-CBN. Makakapanayam pa niya ang Korean superstar na si Lee Dong-Wook, na gumanap na Grim Reaper, pati na rin mga kilalang K-Pop artists.
Bukod sa magandang tanawin sa South Korea tulad ng Gangwon, ipapakita rin ni Marie ang mga putahe sa bansa mula sa mga tradisyunal na inihahain sa mga hari at reyna hanggang sa simple at modernong kombinasyon ng beer at manok.
Itatampok din ang mga uso ngayon pagdating sa pagpapaganda at pananamit sa pagpunta ni Marie sa shopping district na Myeongdong.
Ang “Hallyu and I” ay produksyon ng DocuCentral ng ABS-CBN Integrated News sa tulong ng Korea Tourism Organization. Nais ng dokumentaryo na maintindihan ang tinatawag na “Hallyu” phenomenon sa mundo na nagsimula pa noong ‘90s, at malaman ang dahilan kung bakit patok ang K-drama at K-Pop sa mga Pilipino.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na adventure sa kulturang Koreano ni Marie Lozano ngayong Linggo (Mayo 20) sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN, at sa Miyerkules (Mayo 23), 8 pm sa “Docu Hour” sa ANC at ANC HD. Manood online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang @DocuCentral sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, and Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.