News Releases

English | Tagalog

Alamin ang “Feng Shui 101” mula kay Master Hanz

June 13, 2018 AT 05:12 PM

Know feng shui basics from Master Hanz

“Umagang Kay Ganda’s” Chinese astrology expert Master Hanz Cua invites readers to learn more about the art of feng shui through his book “Feng Shui 101.”

Inaanyayahan ng “Umagang Kay Ganda” Chinese astrology expert na si Master Hanz Cua ang mga mambabasa na matutunan ang paggamit ng feng shui sa pamamagitan ng kanyang librong “Feng Shui 101.”

“Taliwas sa iniisip ng nakararami, hindi paraan ng panghuhula ang feng shui. Ginagamitan ito ng sukat, direksyon, at kulay para maintindihan at magabayan ang isang tao para sa kanyang gagawing desisyon,” pagbabahagi ng feng shui expert sa kanyang libro mula sa ABS-CBN Publishing.

Nakapaloob sa “Feng Shui 101” ang mga paraan para maenganyong pumasok ang positive chi o positibong enerhiya sa bahay, opisina, o negosyo. Handog din nito ang practical tips para makamit ang nais at maiwasan ang bad vibes sa pamamagitan ng cleansing at paggamit ng secret cures.

Bukod sa nabanggit na Feng Shui manual, may makukuhang tips din sa “Chinese Astrology 2018” book ni Master Hanz, isang libro na mula rin sa ABS-CBN Publishing.

Tampok dito ang mga forecast para sa Year of the Earth Dog, pati na rin ang prediction buwan-buwan tungkol sa trabaho, pera, at pag-ibig base sa 12 animal signs ng Chinese zodiac. Mababasa rin dito ang mga swerteng kulay, charms, at ang mga simpleng pagbabagong pwedeng gawin na maaaring makatulong para umani ng swerte.

Nagkaroon ng book tour ang feng shui expert para sa kanyang 2018 collection at nagbigay ng libreng consultation nitong Miyerkules na ginanap sa Zen Institute sa Quezon City.

Nag-aral si Master Hanz ng feng shui sa Malaysia, China, Singapore, Hong Kong at sa iba pang mga bansa. Nagbibigay din siya ng mga training o seminar tungkol sa tarot card reading, palm at face reading, space cleaning, meditation classes, at iba pa. Tumanggap siya ng “Seal of Excellence Award” para sa larangan ng feng shui noong 2016.

Mabibili na ang “Chinese Astrology 2018” at “Feng Shui 101” sa halagang P285 sa mga pangunahing book stores at newsstands sa bansa. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE