Rising singers Princess Sevillena, Kimberly Baluzo, Louie Anne Culala, Carmela Ariola, and Ace Bartolome return to the Smart-Araneta Coliseum on Tuesday (June 19) for their much-awaited “Wishful Journey” concert – their first major project as bonafide recording artists since their online singing competition stint on Wish 107.5.
Nagbabalik sa Smart-Araneta Coliseum ang rising singers na sina Princess Sevillena, Kimberly Baluzo, Louie Anne Culala, Carmela Ariola, at Ace Bartolome sa darating na Martes (Hunyo 19) para sa kanilang pinakahihintay na “Wishful Journey” concert – ang unang major project nila bilang ganap na artists matapos magwagi sa online singing competition ng Wish 107.5.
Kasabay nito ang paglulunsad ng kanilang debut album bilang Wishful 5 mula sa Star Music, kung saan tampok ang 18 original at revival tracks.
Ang mga baguhang belters ang naging top contenders sa nakaraang online singing competition na “Wishcovery: Your Road to Stardom Starts Here” na umere sa sa YouTube channel ng Wish 107.5 mula Setyembre 2017 hanggang Marso 2018.
Nakakuha silang lahat ng two-year recording contract mula sa Star Music at five-year management deal sa ilalim ng Breakthrough and Milestones Productions International, ang content provider ng Wish 107.5.
“Hindi ko na-imagine na mangyayari itong lahat sa akin sa loob ng isang taon – ang manalo sa malaking contest, magkaroon ng sariling album na ilulunsad pa sa Big Dome. Nandyan ang pressure ngunit naniniwala ako na mapapasaya namin ang mga makikinig sa ihinanda namin,” pagbabahagi ng “Wishcovery” grand winner na si Princess.
Mapapanood din ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino, ang Asia’s Phoenix na si Morissette, ang R&B Prince na si Kris Lawrence, ang R&B heartthrob na si Daryl Ong, at ang “Pilipinas Got Talent” Season 6 grand winner na si Kristel De Catalina bilang special guests sa nasabing concert.
Ilang araw bago pa man maganap ang pinakahihintay na show, inilabas na ng Star Music ang collaborative single ng Wishful 5, ang “Patuloy Ang Pangarap,” sa digital platforms. Mapapanood na rin ang lyric videos ng mga awitin ni Princess na kabilang sa “Wishful Journey” album — ang “Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan,” “Ikaw Lamang,” “Walang Kasing Ikaw” at “Pangarap Kong Bituin” – sa Star Music YouTube channel.
Ginanap rin sa Big Dome ang final sing-off ng Wishful 5 noong Marso. Bilang grand champion, tumanggap si Princess ng cash at kontratang may halagang P2 million, bahay at lupa, brand new car, at round trip ticket para sa New York para sa isang musical training. Kinilala namang first runner-up si Kimberly, habang sina Louie Anne, Carmela, at Ace ang tinanghal na second, third at fourth runner-up.
Maging bahagi ng “Wishful Journey” ng Wishful 5 sa darating na Martes (Hunyo 19),7 PM. Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph.
Pwede na rin mabili ang kanilang debut album simula Lunes (Hunyo 18) sa ABS-CBN Store. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.