News Releases

English | Tagalog

DOLPHY, MAGHAHARI SA JEEPNEY TV NGAYONG HULYO

July 19, 2018 AT 03:22 PM

Comedy King Dolphy rules over Jeepney TV

Join the laugh fest as Jeepney TV commemorates the legacy of the undisputed Comedy King via “Salamat, Dolphy,” headlined with the restored version premiere of the hilarious “John en Marsha Sa Probinsya” this July.

Makisali sa katatawanan sa paggunita ng Jeepney TV sa nag-iisang Comedy King sa “Salamat, Dolphy,” tampok ang premiere ng restored version ng pelikulang “John en Marsha Sa Probinsya” ngayong Hulyo.
 
Nagbabalik ang mag-asawang John at Marsha Puruntong kasama ang kanilang buong pamilya sa “John en Marsha Sa Probinsya.” Uuwi sa probinsya ang kwelang pamilya upang alagaan ang isang kamag-anak na may sakit. Ngunit nang magbukas ang isang industrial plant sa lugar, pangungunahan ni John at ng kanyang pamilya ang pagrereklamo sa may-ari nito. Paano kaya haharapin ng pamilya ang kakaiba nilang buhay sa lalawigan?  
 
Samantala, mapapanood muli ang mga minahal na karakter na sina Aling Azon, Richy, Bill, Bob, Bing, Baldo, at Estong sa pagbisita sa mumunting tahanan ni Mang Kevin Kosme sa “Home Along Da Riles Da Movie.”
 
Balikan ang iba pang alaala tungkol sa Comedy King sa entertainment talk show na “Showbiz Pa More” kasama ang host nito na si DJ JaiHo. Mas magiging kaintri-intriga rin ang mga kwentuhan sa programa sa pagsalubong nito kina Jay-R (Hulyo 22) at Robi Domingo (Hulyo 29) tuwing 4 PM.
 
Panoorin ang “Home Along Da Riles Da Movie” sa Sabado (Hulyo 21) at “John en Marsha Sa Probinsiya” sa Hulyo 28 (Sabado), 1 PM. Patuloy pa ring ipinapalabas ang programa sa telebisyon na “Home Along Da Riles” tuwing Linggo, 5 PM.
 
Magkakaroon naman ng special screening ang digitally restored at remastered “John en Marsha Sa Probinsya” sa Cinema Centenario at Black Maria sa Hulyo 26 at 27 handog ng Jeepney TV at ng ABS-CBN Film Restoration.
 
Mapapanood ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.