News Releases

English | Tagalog

SYLVIA AT SOFIA, MAGPAPAKIROT NG PUSO SA CINEMA ONE

July 26, 2018 AT 01:49 PM

Sylvia, Sofia warm hearts in "Mama's Girl" on Cinema One

Welcome a touching story of doting mother and daughter with Sylvia Sanchez and Sofia Andres in “Mama’s Girl,” the heartwarming film to premiere on Cinema One this Sunday (July 29).

Tunghayan ang makabagbag-damdaming kwento nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres bilang mag-ina sa premiere ng “Mama’s Girl” sa Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 29).
Mula sa mga papel na ginampanan ni Sylvia sa mga Kapamilya teleserye na “The Greatest Love” at “Hanggang Saan,” ibang klaseng ina naman ang matutunghayan ng mga manonood sa 2018 drama kung saan tampok din sina Diego Loyzaga at Jameson Blake.
Iikot ang pelikula sa millennial na si Abby (Sofia) na nangangarap makapasok sa mundo ng advertising sa pagnanais niyang maging independent mula sa kanyang ina na si Mama Mina (Sylvia). Sa paghabol ni Abby sa kanyang mga pangarap, itataboy rin niya ang tulong na nais ibigay sa kanya ng ina. Mahahanap kaya ni Abby ang kanyang sarili nang mag-isa o susuko siya sa hamon ng panahon?
Pinuri ni Nazamel Tabares ng Pelikula Mania ang pelikula sa paghatid nito ng mga aral tungkol sa pagkakaibigan at pag-asa. Anya, “itinuturo ng pelikula na tumingin sa hinaharap, sa halip na makulong sa nakaraan, lalo pa sa sakit ng nakaraan.”
Kabilang rin sa cast nito sina Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, at Alora Sasam.
Panoorin ang nakakaiyak na kwento ng mag-inang Sylvia at Sofia sa “Mama’s Girl” ngayong Linggo (Hulyo 24) sa bagong oras ng Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.