Markahan na ang kalendaryo dahil nakatakda nang magtipon-tipon at magsalpukan sa iisang entablado ang pinakamagaling na singers ng “Tawag ng Tanghalan” sa "TNT All-Star Showdown,” na gaganapin sa Hulyo 28 sa Araneta Coliseum.
Matapos ang pagbabalik ng “TNT” para sa ikatlong taon nito sa “It’s Showtime,” inihahandog naman nito ang pinakamalaking singing showdown ngayong taon sa naturang concert tampok ang grand champions na sina Noven Belleza at Janine Berdin, online sensations na si Sam Mangubat, at ang international big shot trio at Philippine pride na TNT Boys.
Hindi rin magpapahuli sa kantahan sina Steven Paysu, Ato Arman, Anton Antenorcruz, Eumee, Froilan Canlas, Marielle Montellano, Reggie Tortugo, at Arabelle Dela Cruz, kasama ang TNT Divas na sina Rachel Gabreza, Gidget Dela Llana, at Remy Luntayao, Cove na kinabibilangan nina Sofronio Vasquez, Christian Bahaya, at JM Bales, at ang comical threesome na Hala nina Hazelyn Cascano, Lucky Robles, at Alfred Relatado.
Maririnig ding muli ang tinig ng young-at-heart serenaders na The Erpats nina Rico Garcia, Antonio Sabalza, at John Raymundo, at ang pinakabagong belter band na Bukang Liwayway nina Pauline Agupitan at Lalaine Arana. Tampok din sa concert ang mga tinig na tumatak sa mga manonood nina “TNT Kids” grand champion Jhon Clyd Talili at “Your Face Sounds Familiar Kids” performer Sheena Belarmino, at Jex De Castro, Aila Santos, at Mark Michael Garcia.
Panoorin na ang pinakamalaking vocal showdown ng taon at bumili na ng tickets na nagkakahalagang P3,710 para sa VVIP; P2,650 para sa VIP, 1,910 para sa Patron A, P1,485 para sa Patron B, P1,040 para sa Free Seating Box, P830 para sa Upper Box, at P310 para sa General Admission.
Mabibili na ito sa Ticketnet outlets at sa Araneta Coliseum Box Office. Tawagan lamang ang 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang TNTV sa Facebook.com/tntversions, o sundan ang @tntversions sa Twitter at Instagram.