News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN TVplus, may limang bagong channels para sa mga Pinoy

July 30, 2018 AT 06:26 PM

More choices for Filipinos with five new ABS-CBN TVplus channels

More entertainment choices await Filipino families as ABS-CBN TVplus, the country’s pioneering digital terrestrial television (DTT), launches five new channels in Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna and Metro Cebu on Monday, July 30.

Mas marami na ang mapagpipilian na mga programa ang pamilyang Pilipino dahil may handog ang ABS-CBN TVplus, ang unang digital terrestrial television (DTT) service sa bansa, na limang bagong channels sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at Metro Cebu simula ngayong Lunes, Hulyo 30.

Dagdag sa channel lineup ng ABS-CBN TVplus ang dalawang bagong exclusivechannels na Asianovela Channel at Movie Central na may kasama pang MYX, Jeepney TV, at O Shopping.

Permanenteng magiging libre ang O Shopping na isang home TV shopping channel, samantalang naka free trial naman ang apat na bagong channel hanggang Disyembre 31, 2018.

“Naniniwala kaming dapat mabigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataon na mapanood sa kanilang tahanan ang mga dekalidad na mga programa. Bukod sa magbibigay saya ang limang channels sa mga pamilya, sumasalamin din ito sa aming misyon na patuloy na maghatid ng kapanapanabik na mga programa sa ating mga Kapamilya,” ani Chinky Alcedo, head of ABS-CBN digital terrestrial television.

Ang Asianovela Channel ang una at natatanging channel sa digital free TV na handog ang iba’t ibang uncut classic at blockbuster Asian dramas at movies na naka-dub sa Filipino.

Ipapalabas sa bagong channel ang mga popular at award-winning na TV series tulad ng “Goblin,” “Love in the Moonlight,” “Sensory Couple,” at marami pang iba.

Ang Movie Central naman ang first all-English movie channel ng ABS-CBN na ekslusibo sa TVplus na maghahatid ng bigating Hollywood blockbusters mula sa iba’t ibang movie genre kabilang na ang action, drama, comedy, at romance.

Tahanan na rin ng Jeepney TV ang ABS-CBN TVplus para matunghayan ng mga pamilya ang mga classic Kapamilya shows na tumatak sa kanilang puso. Bukod dito, may daily catch-up viewing din ng same-day episodes sa Jeepney TV ng “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” at “ASAP.”

Tiyak din na magugustuhan ng music lovers ang MYX, ang numero unong music channel sa buong bansa, dahil sa OPM at international music videos nito na ipinapalabas 24/7.

Posible na rin na makapamili ang TVplus users sa kanilang tahanan dahil sa O Shopping na may maraming tampok na produkto.

Sa halagang P1,499, mapapanood na ng TVplus users ang dagdag na channelsna walang monthly fee para sa mas masayang family bonding.

Samantala, umaasa naman si Alcedo na mas mahikayat pa ang iba pang Pilipino na lumipat sa digital TV dahil sa bagong channels, lalo na na palapit na ang government mandated 2023 deadline na dapat naka-digital broadcast na ang bansa. Mayroon nang 5.5 million ABS-CBN TVplus boxes na nasa mga kabahayan sa buong bansa na patuloy na dumarami.

“Sana makita ng mas maraming Pilipino ang kahalagahan ng DTT sa paglunsad ng bagong channels. Gagawin ng ABS-CBN ang  lahat ng makakaya nito para patuloy na pangunahan ang paglawak ng DTT sa bansa,” dagdag ni Alcedo.

Samantala, marami na ring kabahayan sa bansa ang nakakaranas ng benepisyo ng DTT dahil higit sa kalahati na ng mga kabahayan sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT), ayon sa surveys ng Pulse Asia (51%) at SWS (56%) noong Marso ngayong taon. Isa rin ang ABS-CBN TVplus sa digital properties ng ABS-CBN na ngayon ay nagtra-transition na maging isang digital company.

Mula noong 2015, nabago ng ABS-CBN TVplus ang panonood ng telebisyon ng mga Pilipino dahil sa hatid nitong malinaw na panonood ng telebisyon na walang monthly at installation fee.

Kabilang sa ABS-CBN TVplus coverage areas ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, and Davao.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa tvplus.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN TVplus sa Facebook.