News Releases

English | Tagalog

Regine Velasquez-Alcasid at TNT Boys yayanigin ang Araneta kasama nng AEGIS

July 04, 2018 AT 11:31 AM

Regine Velasquez-Alcasid and TNT boys rock Araneta with Aegis

Regine Velasquez-Alcasid and the TNT Boys complete the roster of high-powered guest artists that will set ablaze “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo,” the 20th anniversary concert of the phenomenal 90s band on July 13 at the Araneta Coliseum.

Bonggang musical numbers, kaabang-abang sa 20th anniversary concert ng Aegis…

 

Tampok sina Regine Velasquez-Alcasid at ang TNT Boys sa listahan ng batikang artists na yayanig sa Araneta sa “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo,” ang ika-20 taon anniversary concert ng powerhouse Pinoy 90s band na Aegis.

Abangan ang showdown ng mga batang biriterong trio na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez o mas kilala bilang TNT Boys. Balik higanteng entablado ang “Bigshot Trio” matapos mag-perform sa international show na“Little Bigshots” sa UK at USA.

Samantala, kaabang-abang rin ang paghaharap ng Asia’s songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at ng vocal powerhouses ng Aegis.

Nauna nang naipakilala ang ibang guests sa concert na sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, at Vice Ganda.

Mabibili ang tickets sa  “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo” concert sa halagang P5,830 (VVIP), P4,240 (VIP), P3,180 (Patron A), P2,650 (Patron B), P1,275 (Box), P850 (Upper Box), at P320 (General Admission).  Ang mga interesadong manood ay maaaring tumawag sa ABS-CBN Events at 413-1222/0915-036-9464 or Ticketnet at 911-5555. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng ABS-CBN Events sa Facebook.com/ABSCBNnetwork/events o @abscbnevents sa Twitter at Instagram.