ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, won a prestigious Gold Quill award of excellence at the International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards in Montreal, Canada for its "Wow at Saya" audience experience program.
Nagwagi ang ABS-CBN ng prestiryosong Gold Quill award of excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards kamakailan sa Montreal, Canada para "Wow at Saya" audience experience program nito.
Kinilala ang “Wow at Saya” sa Communication Management division sa ilalim ng Customer Relations category bilang isa sa pinakamahusay na strategic communication program sa buong mundo. Ito rin ang nag-iisang winning entry na galing sa isang Philippine TV network.
“Bukod sa pasasalamat para sa karangalan, magsisilbing rin ang tagumpany na ito bilang inspirasyon ng ABS-CBN para ipagpatuloy ang pagpapaganda ng karanasan ng ating mga Kapamilya sa kanilang pagbisita sa ABS-CBN, lalu na ito ay bahagi ng aming misyon na maglingkod sa bawat Pilipino,” ayon kay Kane Errol Choa, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communication.
Inilunsad ang “Wow at Saya” noong 2016 upang bigyan ang mga TV studio audience nito sa mga live shows tulad ng "It's Showtime" at "ASAP" ng masayang karanasan sa loob ng ABS-CBN.
Bumuo ng isang team ang Kapamilya network upang siguraduhing mataas ang kalidad ng TV studio audience experience. Kinumpuni rin ng ABS-CBN ang audience holding area nito na kilala na ngayon bilang Kapamilya Audience Lounge (KAL) dahil meron na itong ng LED TVs, photo walls, food stalls, at iba pang amenities para sa masaya at kumportableng pag-aantay bago magsimula ang live shows.
Maliban dito, pinasailalaim din ng ABS-CBN sa mga workshop ang mga tour guide at marshal nito.
Mula nang simulan ang "Wow at Saya," patuloy na naging positibo ang mga karanasan ng mga bisita sa ABS-CBN. Kinilala rin noong 2017 ang ABS-CBN “Wow at Saya” sa customer relations category ng Philippine Quill Awards, kung saan binibigyang parangal ang pinakamahuhusay na business communications campaigns sa buong bansa.
Layunin ng Gold Quill Awards na kilalanin ng buong daigdig ang pinakamahusay na business communication programs. Ang Gold Quill Awards ay isa sa mga pinaka prestiryosong awards programs sa buong industriya dahil lahat ng kalahok ay sumasailalim sa pagsusuri gamit ang standard of excellence ng IABC.