News Releases

English | Tagalog

MNL48, NAGLUNSAD NG UNANG SINGLE “AITAKATTA – GUSTONG MAKITA”

August 13, 2018 AT 05:30 PM

MNL48 launches first single “Aitakatta – Gustong Makita”

MNL48—the first-ever Filipina idol group formed via “It’s Showtime”—has released its debut single under Star Music entitled “Aitakatta – Gustong Makita,” the local version of the big hit “Aitakatta” performed by its sister group and Japan’s phenomenal musical act, AKB48.

Inilunsad na ng MNL48, ang kauna-unahang all-Filipina idol group ng bansa na binuo sa “It’s Showtime,” ang kanilang debut single sa ilalim ng Star Music na may titulong “Aitakatta – Gustong Makita,” ang Pinoy version ng big hit na “Aitakatta” mula sa sister group nito, ang phenomenal musical act ng Japan na AKB48.
 
Magiging bahagi ang awiting “Aitakatta – Gustong Makita” ng kanilang debut album na kasalukuyang binubuo sa ilalim din ng Star Music at ilulunsad sa susunod na taon.
 
Nabuo ang sing-and-dance group na MNL48 sa pangunguna ng ABS-CBN at Hallohallo Entertainment, habang ang mga miyembro nito ay maingat na napili sa talent search na tumagal ng apat na buwan sa “It’s Showtime.” 
 
Sa naganap na media conference sa Movie Stars Café sa Quezon City, ipinasilip ng MNL48 ang kanilang music video para sa “Aitakatta – Gustong Makita” na malapit na ring ilunsad. 
 
Kinuhanan ito sa Intramuros at Manila Bay upang magpakita ng mga makasaysayang tanawin. Hango rin ito sa orihinal na music video ng AKB48 para sa “Aitakatta” na naglalayong maipadama sa mga Pinoy kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ‘idol.’
 
Bukod sa awiting “Aitakatta – Gustong Makita,” kabilang din ang mga tracks na “Sakura no Hanabiratachi – Talulot ng Sakura” at “Skirt Hirari – Umiindak na Saya” at instrumental versions ng tatlong kanta sa nalalapit na album ng grupo.
 
Maaaring mapanood ang MNL48 girls sa kanilang daily online show, ang MNLife at MNLaugh, live sa kanilang official Facebook page (@mnl48official) at YouTube Channel (MNL48)  tuwing 6 PM. Ang mga Hashtag members na sina Luke Conde, Maru Delgado, Nikko Natividad at Zeus Collins ng “It’s Showtime” ang hosts nito. Mapapanood ang MNLIfe tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang MNLaugh ay mapapanood naman tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
 
Abangan ang debut single ng MNL48 sa digital stores. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.