Hundreds of soldiers were honored recently for their patriotism and sacrifice at the Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Command in Tarlac.
Kim Chiu, JM De Guzman, Barbie Imperial, hinarana ang mga sundalo
Kinilala ang kagitingan at sakripisyo ng daan-daang sundalo sa programang “Saludo sa Sundalong Pilipino” na ginanap kamakailan lang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Command sa Tarlac.
Isang araw na puno ng saya ang hinandog sa mga bayani ng bansa kabilang ang isang palabas tampok ang mga talentadong sundalo at Kapamilya stars na pinangunahan ni Kim Chiu.
Dumalaw rin ang “Araw Gabi” cast kasama sina JM De Guzman, Barbie Imperial, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, at Joshua Colet para magpasalamat sa mga sundalo at magbigay ng aliw sa pamamagitan ng mga awitin at laro.
“Talagang nakaktuwa at nakakataas ng morale ng mga sundalo ang mga programang ganito, lalo na dito sa Central Luzon,” sabi ni Lt. Col. Isagani Nato sa isang panayam sa “TV Patrol.”
Maliban sa special variety show, nag-iwan din ang mga bumisitang Kapamilya ng limang TVplus kit sa kampo, iba-ibang regalo, at “Just Love Araw-Araw” shirts sa mga sundalo.
Inilunsad ng ABS-CBN ang “Saludo sa Sundalong Pilipino” noong 2017 kung saan nakasama na rin ang mga bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Wildflower,” “Banana Sundae,” at “Magandang Buhay” sa pagbibigay ng saya at serbisyo sa mga sundalo sa Cagayan De Oro, Manila, at Nueva Ecija.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.