News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinangalanang Best TV Station ng Lyceum Batangas

August 16, 2018 AT 03:50 PM

ABS-CBN named Best TV Station by Lyceum Batangas

Kapamilya network preferred by Lyceans in Manila, Laguna, and Batangas

Kapamilya network, patok sa Lyceans sa Manila, Laguna, at Batangas

Nagwagi ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa 3rd Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Batangas, kung saan naiuwi ang 19 pang tropeo kasama ang Best News Program para sa “TV Patrol” at Best Primetime Series para sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”


Ito na ang ikatlong Best TV Station na natanggap ng Kapamilya network mula sa isang LPU campus ngayong taon, patunay na ito ang paboritong istasyon ng mga Lycean.


Panalo rin sa Batangas ang mga programa ng ABS-CBN Integrated News at Current Affairs tulad ng “Umagang Kay Ganda” (Best Morning Show), “Red Alert” (Best Public Affairs Program), at “Matanglawin” (Best Educational Program). Tinanghal naman ang “TV Patrol” anchor na si Noli De Castro bilang Best Male News Anchor at ang “Matanglawin” host na si Kim Atienza bilang Best Educational Program Host.


Umani rin ng tropeo “The Greatest Love” bilang Best Afternoon Series, ang family sitcom na “Home Sweetie Home” bilang Best Family Oriented Show, “It’s Showtime” bilang Best Noontime Show, “ASAP”  bilang Best Sunday Variety Show, at “Gandang Gabi Vice” bilang Best Talk Show.


Pinarangalan naman sina Joshua Garcia at Maja Salvador bilang Best TV Actor at Best TV Actress sa mga ginampanan nilang karakter sa “The Good Son” at “Wildflower.” Si Vice Ganda naman ang kinilalang Best Talk Show Host, at ang “ASAP” regulars na sina Moira Dela Torre at Darren Espanto ang panalong Best Female Recording Artist at Best Male Recording Artist.   


Kinilala rin si Alex Gonzaga bilang Most Influential Social Media Personality.


Kamakailan lang ay nagtagumpay ang ABS-CBN sa Umalahokjuan awards ng LPU-Manila at umani ng 15 na tropeo kabilang ang Best TV Station. Sa Kung Gihan Awards naman ng LPU-Laguna, ginawaran ang Kapamilya netwok ng mga tropeong Best TV Station, Best Social Media Personality of the Year kay “It’s Showtime” host na si Anne Curtis, Love Team of the Year kina James Reid at Nadine Lustre, at Commercial Endorser of the Year kay James Reid.