First-time vacationers, budgetarian travelers, and wanderlust junkies get a step-by-step guide in touring the world on a budget from Kapamilya actor Enchong Dee in his book “Basta Trip Mo” by ABS-CBN Publishing.
Tampok ang step-by-step guide para sa mga susubok magbakasyon…
Handog ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang mga kwentong paglalakbay sa ibang bansa sa kanyang travel book na “Basta Trip Mo” mula sa ABS-CBN Publishing na naglalayong magsilbing gabay sa mga gustong mamasyal sa unang pagkakataon at sa mga nagtitipid o budgetarian travelers.
“Kung gusto mong magtravel sa maliit na budget, o di kaya’y takot kang subukan ito, makakatulong ang librong ito para tuluyan ka nang makalipad,” ayon kay Enchong na inaaming siya ay sadyang budgetarian o kuripot pagdating sa travel expenses. Anya, “sa halagang 30k, may simple ngunit masaya kang bakasyon!”
May dalawang bahagi ang “Basta Trip Mo” guidebook. Kabilang sa unang bahagi ang mga steps sa pagkuha ng passport, pagbook ng flight, paghanap ng maayos na accommodation, at paggawa ng itinerary. Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang mga travel essentials at expert packing tips, pati na rin ang isang detailed checklist na pwedeng gawing reference.
Ipinapakita naman ng ikalawang bahagi ng libro ang mga matipid na paglalakbay na ginawa ni Enchong sa kanyang mga paboritong destinasyon sa Asya. Kasama sa mga lungsod na dinayo niya ang Hong Kong, Taipei, Bali, Tokyo, Osaka, Beijing, at Seoul.
Ikinwento rin ni Enchong ang kanyang pamamasyal sa Vietnam na siyang unang bansa na binisita niya sa labas ng Pilipinas noong siya ay 13-anyos pa lamang na swimming athlete at representative ng Junior National Team ng bansa.
Nais naman ni Keren Pascual, isang PR professional at frequent traveler na sumulat ng foreword ng libro na maengganyong bumiyahe ang mga mambabasa ng “Basta Trip Mo” dahil na rin sa mga kwentong ibinahagi ng aktor.
Simulan na ang paglalakbay gamit ang librong “Basta Trip Mo” ni Enchong. Available ito sa nangungunang bookstores, newsstands, at online stores sa halagang P225. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.