News Releases

English | Tagalog

Pag-ibig at payapang relasyon, handog ng Year of the Earth Pig, ayon kay Master Hanz

January 16, 2019 AT 01:34 PM

Romance and healthy relationships mark the Year of the Earth Pig, says Master Hanz

Catch Master Hanz at the launch of the “Chinese Astrology 2019: The Year of the Earth Pig” book this Saturday (January 19), 4 PM at National Book Store - TriNoma.

“Chinese Astrology 2019” ng  Feng Shui master, available na
 
Asahan ang pagpasok ng swerte ngayong bagong taon partikular na sa larangan ng pag-ibig para sa mga ipinanganak sa mga taong compatible sa Pig—ang Rabbit, Sheep, at Tiger—ayon sa librong “Chinese Astrology 2019: The Year of the Earth Pig” mula sa Feng Shui master na si Master Hanz Cua.
 
“Ang year na ito ay umaayon sa mga nais magpakasal, lalo sa Pig at Tiger,” pagbabahagi ng “Umagang Kay Ganda” Chinese astrology expert sa new year guide mula sa ABS-CBN Publishing.
 
Bukod sa pag-ibig na magiging laganap ngayong 2019, magbubunga rin ng mga positibong pangyayari ang iba’t ibang klase ng relasyon, tulad na lang sa business partner, kaibigan o di kaya ay ka-trabaho.
 
“Maraming mga aangat sa buhay, career, o pag-ibig sa taon ng Pig,” ayon sa fortune forecast ni Master Hanz, na nagsasabing kahit ang incompatible signs ng Pig ay may mga oportunidad, tulong, at maraming trabaho na malalasap, masunod lamang ang mga Feng Shui cures o pangontra sa kamalasan na nakasaad sa libro.
 
Nag-aral ng Feng Shui disciplines sa Malaysia, Singapore, China, Hong Kong at iba pang bahagi ng mundo ang “Chinese Astrology 2019” author. Bahagi ng mga serbisyong ibinibigay niya ang psychic tarot card reading, aura reading, home and office Feng Shui, palm at face reading, space clearing, at iba pa. Nagbibigay rin siya ng on-air consultations at Feng Shui advice sa isang segment sa DZMM. 
 
Samahan si Master Hanz sa paglulunsad ng kanyang “Chinese Astrology 2019: The Year of the Earth Pig” book ngayong Sabado (Enero 19), 4 PM sa National Book Store - TriNoma. Mabibili ang libro sa leading bookstores nationwide sa halagang P250. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE