News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinarangalan sa NCST Dangal ng Bayan Awards

January 24, 2019 AT 02:23 PM

ABS-CBN programs and anchors honored at NCST Dangal ng Bayan Awards

More than 7,000 college students recognized ABS-CBN’s contributions to social change, awarding the company with a Media Excellence Award for Information Technology and seven other awards.

Bernadette Sembrano at Carl Balita, kinilala ang galing

Kinilala ng higit 7,000 na mag-aaral sa National College of Science and Technology (NCST) ang mga kontribusyon ng ABS-CBN sa pagbabago sa lipunan sa ikalawang Dangal ng Bayan Media Excellence Awards na isinagawa kamakailan lang.
 
Nagwagi ang Kapamilya network ng Media Excellence Award for Information Technology at umani ng pito pang tropeo sa iba’t ibang kategorya.
 
Binigyang-pugay din ang mga kontribusyon ng dalawang anchor ng ABS-CBN News sa kanilang larangan. Nanalo ang ang “TV Patrol” at “Salamat Dok” anchor na si Bernadette Sembrano ng Media Excellence Award for Journalism, habang si Dr. Carl Balita naman ng “Radyo Negosyo” sa DZMM TeleRadyo ang tumanggap ng tropeo sa Media Excellence Award for Radio Broadcasting.
 
Samantala, ginawaran rin ng Media Excellence Award sa iba’t ibang kategorya ang limang programa ng ABS-CBN para sa inspirasyong binigay nila sa mga mag-aaral na nais pasukin ang iba’t ibang propesyon, at nais ring magsumikap para sa pagbabago sa lipunan.
 
Nagwagi ang “Matanglawin” sa kategoryang Education, ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa  Criminology, at ang “My Puhunan” sa Business, habang ang “On the Money” ng ANC, the ABS-CBN News Channel ang nanalo sa Accounting. Nagtagumpay naman ang “Maalala Mo Kaya” sa kategoryang Psychology.
 
Simula noong inilunsad ang Dangal ng Media Awards noong 2018, kinikilala nito ang husay at dangal ng iba’t ibang media practitioner na tumutugma sa mga paniniwala at paninindigan ng mga kurso sa NCST.
 
Ang mga parangal mula sa NCST ay sumusunod sa kabi-kabilang pagkilala at tropeo na natanggap ng ABS-CBN dito sa Pilipinas at sa ibang bansa noong 2018.
 
Humamig ng 20 na “Best TV Station” ang Kapamilya network mula sa iba’t ibang mga institusyon at organisasyong namamahala sa industriya, habang ang mga programa at kampanya nito, mga palabas, at personalidad ay nakakuha rin ng mga parangal para sa kanilang mga ginampanan, gawain, at galing sa larangan ng media.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at pumunta sa visit abscbnpr.com.