News Releases

English | Tagalog

NADIA, NAGBAHAGI NG 50 TIPID FAMILY RECIPES SA “HAVE I COOKED FOR YOU?”

January 29, 2019 AT 02:44 PM

Nadia shares 50 budget-friendly family recipes in “Have I Cooked For You?”

Nadia Montenegro is known for her mouth-watering dishes, which she often shares with her co-stars and yet, it is only this year that she gets the chance to finally collate her heirloom recipes and other favorites in a cookbook entitled “Have I Cooked For You?”

Celebs, inilahad ang paboritong pagkain sa bagong cookbook
 
Kilala si Nadia Montenegro sa masasarap na lutuin na madalas niyang ipinapatikim sa kanyang co-stars. Sa unang pagkakataon, naipagsama-sama niya ang ilan sa kanyang minanang recipe at iba pang paborito sa bagong cookbook na may titulong “Have I Cooked For You?”
 
“Nagsisilbing reminder ang recipes na ito ng masasayang usapan, aral, katatawanan, at pagmamahal na meron kami sa aming hapag kainan,” kwento ng aktres na sinimulan ang kanyang cooking vlog na Cucina ni Nadia sa Youtube noong nakaraang taon.
 
Excited na nga ang professional cook at caterer sa kanyang passion project mula sa ABS-CBN Books kung saan ibinigay niya ang 50 recipes na mula sa puso na hinati-hati sa tatlong bahagi—para sa pamilya, mga kaibigan, at sa malalaking grupo.
 
“Naniwala ako na ang pagluluto nang may puso ang magdadala sa akin sa katuparan ng aking mga pangarap,” dagdag pa ni Nadia.
 
Tampok sa kanyang family favorites ang Potchero na paborito ng “Playhouse” actor na si Carlo Aquino, at ang Beef Steak A la Nadia na nagustuhan naman ni Robin Padilla.
 
Kabilang naman sa recipes na para sa kanyang mga kaibigan ang Callos na paborito ng “Magandang Buhay” momshie na si Karla Estrada; ang Cream Cheese Marinara with Homemade Pesto, isang masarap na lutuin ayon kay JC de Vera; at ang Binagoongang Baboy sa Gata na isa lamang sa mga lutuin na handog niya sa matalik na kaibigan na si Arlene Muhlach.
 
Marami rin tampok na recipes sa libro para sa malalaking grupo. “Normal sa akin na magluto para sa 20-30 katao. Dahil sa aking malaking pamilya, maraming kaibigan, at dahil palaging bukas ang aming tahanan 24/7 para sa lahat, kailangan na meron akong laging handang pagkain,” ayon sa butihing ina na may walong anak.
 
Pormal na ilulunsad ni Nadia ang kanyang libro sa darating na Pebrero 9 (Sabado) sa National Book Store Trinoma. Alamin ang sikreto sa pagluluto ni Nadia sa “Have I Cooked For You?” mula sa ABS-CBN Books at mabibili na sa leading bookstores nationwide sa halagang P250. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE