News Releases

English | Tagalog

Maging handa katulong ang "Book of Bilins"

January 09, 2019 AT 10:10 AM

Secure your afterlife with the help of the “Book Of Bilins”

Be prepared for death with the ultimate guide "Book of Bilins," a new planner by Jubilee Sangalang under ABS-CBN Publishing.

Ang huling planner na kakailanganin ng lahat!
 Paghandaan ang hindi maiiwasang paglisan sa mundo sa tulong ng bagong handog ng ABS-CBN Publishing, ang “Book of Bilins: Your Ultimate Guide to Libing Well,” ang planner na kakailanganin ng lahat bago pumanaw. 
 
Tampok sa nakakatuwang manual mula kay Jubilee Sangalang ang mga gabay na pwedeng sagutin ng mambabasa na inaasahang makakatulong sa pamilyang maiiwan. Makikita dito ang preferences sa gaganaping burol, ang maaaring pag-anunsyo nito sa social media, ang napili sa pagitan ng libing o cremation, at marami pang iba.
 
“Dalawang main parts ang kailangang sagutan. Part One ang Funeral Planner aka ‘Fun Planner.’ Part Two ang Last Bilin at Testament. . . Katulong ang librong ito, maaari nang mag-rest in peace dahil hindi mo iiwan ang mga mahal mo sa buhay na confused at hindi alam ang gagawin,” ayon sa may akda.
 
Makikita sa “Book of Bilins” ang mahahalagang checklists tulad ng dokumentong kakailanganin, mga taong dapat makontak, ang gustong OOTD (outfit of the dead), pati na rin ang nais na hitsura ng makeup niya.
 
Mayroon ding pahina para sa mga isusulat na thank you letters, sorry notes, at big revelations, na mababasa ng mga pinagkakatiwalang mahal sa buhay at pwedeng ipamahagi.
 
Hindi kumpleto ang “Book of Bilins” planner kung wala ang bahagi ng mahahalagang bagay na dapat maipaalam, tulad ng kung sinu-sino ang tagapagmana at anu-ano ang makukuha nila, at pati na rin ang insurance policies at detalye ng bank accounts. Meron ding portion kung anong subscriptions ang dapat i-cancel, mga email at social media accounts na dapat i-delete, at kung may utang na dapat bayaran.
 
Maging handa sa hindi inaasahang pagpanaw gamit ang “Book of Bilins” bilang gabay, available na sa National Book Store at Powerbooks branches at sa @abscbnbooks Facebook page sa halagang P225. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbn.com/newsroom.