News Releases

English | Tagalog

“It's Showtime, kinilala ng NCCA para sa pagsusulong ng sining at kulturang Pinoy

October 29, 2019 AT 12:24 PM

“It's Showtime" honored by NCCA for championing Filipino arts and culture

“It’s Showtime" was recognized by the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) for its major contributions to Filipino arts and culture and for promoting it globally.

Isang makabuluhang pagkilala ang natanggap ng “It’s Showtime” sa ikasampung anibersaryo nito matapos itong pangaralan ng “Katibayan ng Pagpapahalaga” ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa malaking ambag ng programa sa pagpapagalaganap ng sining at kulturang Pilipino sa buong mundo.
 
Iginawad ang naturang parangal nina Shirley Halili-Cruz, ang chairman ng National Committee on Dance, at ni Rene Napeñas, ang head ng Public Affairs and Information Office ng NCCA, na parehong nagsilbing mga hurado sa isang linggong tagisan ng hosts sa Magpasikat competition. 
 
NCCA’s Shirley Halili-Cruz and Rene Napeñas present the Katibayan ng Pagpapahalaga to It's Showtime
 
Unang inilunsad ang programa bilang isang morning talent-variety show na pinagbuklod-buklod ang mga probinsya at lalawigan sa bawat performance ng bawat grupong sumasalang dito.
 
Sa nakalipas na sampung taon, binibigyan ng “It’s Showtime” ng pagkakataon ang mga Pilipino sa loob at sa labas man ng bansa na ipagmalaki hindi lang ang kanilang talento, kundi pati na ang lugar na kanilang pinanggalingan at kani-kanilang kultura.
 
Patuloy ring isinusulong ng “It’s Showtime” ang original Pilipino music (OPM) sa paglulunsad nitong muli ng “Tawag ng Tanghalan” at ng TNT Records, na ang pangunahing hangarin ay gumawa ng makabagong music icons na aawit at lilikha ng musikang Pinoy.
 
Samantala, maraming mga manonood naman sa bansa ang tumutok sa Magpasikat finale episode kung saan itinanghal na grand champion si Vice Ganda noong Sabado kung kaya’t nagtala ang “It’s Showtime” ng national TV rating na 19.7%, o mas mataas pa sa nakuha ng kalabang programang “Eat Bulaga,” na nakakuha lang ng 12.8%, ayon sa datos ng Kantar Media.
 
Araw-araw namang nag-trend sa buong mundo ang hashtags ng programa dahil sa pag-aabang ng mga Pinoy sa inihandang mga pasabog ng hosts.
 
Patuloy na samahan ang “It’s Showtime” sa pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo nito mula Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr on Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.