The "Options" music video production was led by South Korean commercial director, Dawittgold, who has previously worked on music videos for K-pop groups such as EXO, FTIsland and NCT.
Inilunsad na ni Inigo Pascual ang pinaka-inaabangang music video para sa una niyang solo international single na “Options” at kinunan pa ito sa Seoul, South Korea.
Pinangunahan ng South Korean commercial director na si Dawittgold ang produksyon ng music video na dati nang nakatrabaho ang mga sikat na K-pop group gaya ng EXO, FTIsland at NCT.
Nagpapasalamat at inaasahan ni Inigo ang pagiging matagumpay ng kolaborasyon lalo na't ito ang unang beses niyang makipagtrabaho sa isang international production crew. Isa siya sa mga mang-aawit na unti-unting pumapasok sa international music scene sa pagsisikap ng ABS-CBN na ipakilala ang mga talento ng Pinoy sa buong mundo.
Tumagal ng dalawang araw ang pag-shoot sa “Options” music video na kinunan sa dalawang magkaibang lokasyon gamit ang walong magkakaibang set.
Si Young-jim Kim naman ang nagbihis kay Inigo para sa music video ng "Options" gamit ang Yves Saint Laurent at Versace pieces. Naging stylist na siya ng Korean stars na sina Daniel Kang, Nam Joo Hyuk, grupong NCT at Amerikanong mang-aawit na si Jason Derulo.
Kahit sa ibang bansa ang produksyon, bitbit pa rin ni Inigo ang bandera ng Pilipinas dahil ang celebrity dance mentors na sina Matt Padilla at AC Lalata na dating mga miyembro ng Philippine All Stars ang nag-choreograph ng sayaw para sa music video.
Panoorin ang “Options”’ official music video sa
YouTube channel ng Star Music. Maaari rin itong abangan sa nangungunang music channel ng bansa, ang MYX. Para sa latest tungkol kay Inigo, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, at Instagram @tarsierrecords. Bisitahin naman ang abs-cbn.com/newsroom para sa iba pang updates at sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.
Panoorin:
Options music video