News Releases

English | Tagalog

Mga Cebuano, natuto sa mga Kapamilya expert sa Pinoy Media Congress Caravan sa Visayas

November 13, 2019 AT 04:12 PM

Cebuano students learn from Kapamilya media experts in ABS-CBN's Pinoy Media Congress Caravan

Continuing to help educate the country’s future media practitioners, ABS-CBN brought its top-notched media executives to Visayas to share their knowledge and insights on media work in the third leg of the ABS-CBN Pinoy Media Congress Caravan held last November 8 at the Cebu Normal University.

Patuloy na tumutulong ang ABS-CBN sa pagbibigay kaalaman sa mga kabataan tungkol sa media sa pagdala nito ng mga eksperto sa Visayas para sa proyekto nitong Pinoy Media Congress (PMC) Caravan.

Ginanap sa Cebu Normal University noong Nobyembre 8 ang ikatlong leg ng PMC Caravan tampok ang pinuno ng Bayan Mo, iPatrol Mo na si Rowena Paraan, na tinuruan ang mga bata kung paano matukoy ang mga pekeng balita at ang kahalagahan ng news literacy.

“Mas lalo tayong maging discerning, mas lalo tayong dapat critical sa lahat ng nababasa natin. Mas lalo dapat tayong tumitingin sa mas maraming issue at mas maraming point of view. So tayo medyo kabisado na natin ‘yung journalism, ‘yung balita, kailangan tumulong tayo to spread news literacy,” aniya.

Hinikayat naman ng pinakabatang business unit head ng ABS-CBN na si Pete Dizon ang mga batang Cebuano na ituloy ang kanilang mga pangarap at huwag mangambang bumagsak. Giit niya, mayroon silang kalayaan para gumawa ng sarili nilang marka sa industriya.

Ibinahagi naman ng pinuno ng ABS-CBN Print Publishing at Ide8 na si Mark Yambot na marami pa ring batang Pilipino ang nagbabasa maski digital na ang karamihan ngayon.
 
“Sa Facebook, Instagram, at Twitter na nalalaman ng mga tao ang iba-ibang libro. Doon din sila naguusap-usap tungkol sa mga librong gusto nila nang parang isang komunidad,” paliwanag niya.

Tulad sa mga naunang PMC Caravan, ibinida rin ang adbokasiyang Sagip Pelikula ng ABS-CBN, kung saan ikinuwento ni ABS-CBN Film Archives head Julie Galino ang ginagawa nila para buhayin ang interes ng manonood sa mga lumang pelikulang Pilipino.

Ikinagalak din ng mga estudyante ang pagdating ni “Tawag ng Tanghalan season 3 champion Elaine Duran, at ang mga libreng workshop at film screening mula sa ABS-CBN News at ABS-CBN Film Restoration. Naroon din ang Knowledge Channel head na si Danie Sedilla-Cruz para imbitahan ang mga estudyante sumali sa “Class Project” Mini Documentary Competition.

Proyekto ng ABS-CBN at Philippine Association of Communication Educators’ (PACE) ang taunang Pinoy Media Congress na mahigit 12,000 estudyante na ang napaglingkuran sa loob ng 13 taong pagsasagawa nito. Para mas marami pang maabot, sinimulan ng ABS-CBN ang interactive live broadcast ng conference sa Visayas noong 2017. Ngayong taon, lilibutin ng ABS-CBN ang bansa sa pagdadala ng PMC sa iba-ibang lugar para magdala ng kaalaman at inspirasyon sa mga kabataan sa labas ng Metro Manila.

Para sa mga detalye sa PMC at PMC Caravan, i-follow ang @abscbnpmc sa Facebook at Instagram. Para naman sa impormasyon sa “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition,” bumisita sa www.pinoymediacongress.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.