News Releases

English | Tagalog

60 "Tawag ng Tanghalan" singers, nagbabalik sa "It's Showtime" para sa All-Star Grand Resbak

November 13, 2019 AT 12:57 PM

60 "Tawag ng Tanghalan" singers return to "It's Showtime" for All-Star Grand Resbak showdown

Sixty singers from the past three years of “Tawag ng Tanghalan” are making a blazing comeback to the “It’s Showtime” stage as they come together for a special showdown.

Umaapoy na bakbakan ng mga pangmalakasang tinig ang muling inilunsad ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” sa pagtitipon nito ng 60 singers mula sa una, ikalawa, at ikatlong taon ng kumpetisyon para sa isang enggradeng “All-Star Grand Resbak” na nagsimula ngayong linggo.
 
Sa bagong edisyong ito, magkakasubukan sa husay at diskarte ang 60 grand resbakers na minahal ng madlang people at inihati sila sa tatlong kupunan na may 20 miyembro kada isa  – ang Team Alab, Team Bagsik, at Team Sinag.
 
Araw-araw, tatlong grand resbakers o isang miyembro kada team ang maglalaban-laban sa dalawang round ng kantahan para pag-agawan ang dalawang seat of power.
 
Sa unang bakbakang naganap noong Lunes (Nobyembre 11), unang naghari sina Jex De Castro ng Team Sinag at Tuko Delos Reyes ng Team Bagsik sa seat of power matapos nilang makuha ang pinakamataas na average scores mula sa mga hurado sa dalawang round.
 
Tuluyan namang napaalis na sa kumpetisyon ang Team Alab member na si Marlo Mortel, na nagmula sa Celebrity Champions edition.
 
Ang dalawang singers na nasa seat of power ang may kaakibat na kapangyarihang magdesisyon kung muli silang lalaban o kaya’y pipili ng ibang kagrupo na dedepensa ng kani-kanilang teams.
 
Sa loob ng buong edisyon, pag-aagawan ng tatlong teams ang dalawang seat of power hanggang ang mga matira ang maghaharap sa huling tapatan.
 
Aling kupunan kaya ang tatanghaling pinakamatibay sa kantahan?
 
Ang “TNT All-Star Grand Resbak” ay bahagi pa rin ng isang buong taong selebrasyon ng ikasampung anibersayo ng “It’s Showtime.” Subaybayan ito mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.