News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Sports, ibabandera ang lakas at tibay ng Pinoy sa ONE: Masters of Fate

November 07, 2019 AT 12:34 PM

Bago matapos ang 2019, muling magbabalik ang ONE Championship para sa “ONE: Masters of Fate” tampok ang kauna-unahang paghaharap ng kapwa Pilipino para sa titulo ngayong Biyernes (Nobyembre 8) ng 8:30 pm, LIVE mula sa Mall of Asia (MoA) Arena sa Pasay City sa ABS-CBN S+A, ABS-CBN Sports Facebook, at iWant.
 
Ibibida ng pinakamalaking fight promotions outfit sa Asya ang lakas, husay, at puso ng Pilipino sa mixed martial arts (MMA) sa pagtaya ni Joshua Pacio ng Team Lakay ng kanyang ONE world strawweight championship kontra kay Rene Catalan.
 
Galing si Pacio (14-3, 7 submissions) sa isang 4th round knockout na panalo kay Yosuke Saruta noong Abril, kung saan binawi niya ang sintron na inagaw ni “Tobizaru” sa harap ng kanyang Pinoy fans. Si Pacio rin ang natatanging kampeon sa kampo ng Team Lakay at wala siyang balak bitawan ito bago matapos ang taon.
 
Samantala, mainit naman si Catalan (6-2, 2KOs) sa loob ng hawla sa kanyang anim na sunud-sunod na panalo para magkaroon ng tsansang makuha ang ginto sa kanyang karera sa ONE Championship. Kasama sa anim na iyon ang kanyang pagpapatumba sa dating nakalaban ni Pacio na si Yoshitaka Naito ng Japan via technical knockout.
 
Bukod sa kanila, dalawang Pilipino rin ang sasabak pa sa laban sa loob ng ring. Una na riyan si Team Lakay at Pinoy MMA icon Eduard Folayang (21-8) na makakabalik na pagkatapos matalo kay “The Underground King” Eddie Alvarez sa ONE Lightweight grandprix noong Agosto. Haharapin ni “Landslide” ang Mongolian na si Tsogookhuu Amarsanaa (5-1, 3KOs) sa undercard. Balik-aksyon din si Geje “Gravity” Eustaquio (12-8) kontra kay Finnish fighter Toni Tauru (11-7-1, 8 submissions) sa isa pang undercard na laban.
 
Sina ABS-CBN Sports anchor Anton Roxas at MMA analyst Theo Castillo ang maghahatid ng aksyon sa “ONE: Masters of Fate,” na unang laban ng ONE sa Pilipinas na may local commentary.
 
Huwag palampasin ang a “ONE: Masters of Fate” ng LIVE mula sa MoA Arena sa Pasay City ngayong Biyernes (Nobyembre 8), simula ng 8:30 pm sa S+A, S+A HD, ABS-CBN Sports Facebook, at iWant at maging bahagi ng kasaysayan sa kauna-unahang All-Filipino world title match sa MMA.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ONE Championship, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE