News Releases

English | Tagalog

YeY pinakita ang halaga ng pagbibigay saya sa mga kabataan ngayong Pasko

December 04, 2019 AT 01:30 PM

YeY shares the value of passing joy to other kids in Christmas campaign

Kids can also pass the joy of Christmas to other kids. This is the lesson that YeY, the country’s first local all-day kids channel, wants to impart to all kids as it launches its Christmas campaign with a cheerful song called, “Pasko ang Saya!”

Kahit mga bata, kayang magpasaya ng kapwa ngayong kapaskuhan.
 
Ito ang nais iparating na aral ng YeY, ang pinakaunang local na all-day kids channel sa bansa, sa lahat ng bata sa pagsalubong nito sa Pasko sa pamamagitan ng nakatutuwang kantang, “Pasko ang Saya!”
 
Isa sa ibig iparating ng “Pasko ang Saya” ang “I-papass ko ang saya!” Ipinapakita nito ang importansya ng pamamahagi ng kasiyahan ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng pagkalinga at pagmamahal sa kapwa, sino man sila o kung saan pa man nanggaling, dahil lahat tayo ay may sayang namumutawi sa ating mga puso.
 
Isa ito sa mahahalagang mensahe na makikita sa lyrics na ito:“Ito ang paborito ko, ang panahon ng Pasko/Dahil lahat tayo magsasalo-salo/Kapag ika’y tumatawa, ako ay nahahawa/Hindi ba ma’t mas nakakatuwa kung lahat tayo ay masaya?”
 
Sa music video na inilunsad nitong Disyembre 1, nagbahagi ng magandang ehemplo ang Team YeY sa pamamagitan ng pagbabahagi ng saya at kalinga habang nakikipaglaro sa mga kabataan mula sa iba’t-ibang estado ng buhay.
 
Binista ng Team YeY ang Philippine Children’s Medical Center para mabigyan ng pagkakataon na maranasan ng mga batang pasyente na magkaroon ng isang normal na selebrasyon ng kapaskuhan at maiparamdam ang diwa nito.  
 
Sa Cubao Elementary School naman inaliw ng Team YeY ang mga mag-aaral, at nagpamalas ng kanilang talento para mas mahimok at maipakita ang importansya ng edukasyon sa bawat bata, habang sa Our Lady of Annunciation Parish naman nakihalubilo at nakipagkwentuhan ang barkadang YeY sa mga kabataan ng Kids’ Ministry.
 
At para mas maipasa pa ang saya sa mas madaming kabataan, mapaapnood na din ang lyric video ng “Pasko ang Saya” sa YeY Facebook at YouTube page para mas masaya ang pag-sing-a-long.
 
Ang YeY ang pinaka-unang local all-day kids channel sa Digital Free TV, na ipinapalabas ng ABS-CBN Corporation. Isa ito sa mga premium channels sa ABS-CBN TVplus at mapapanood sa channel 1 ng Skycable at Destiny Cable. Hatid ng YeY ang mga “parent-approved educational at entertainment” na mga programa para sa kabataan, na may halong saya habang natututo at kasama pa ang mga adventure-packed na cartoons, anime, at live-action na series. Mapapanood ito araw-araw mula 6am hanggang 10am.