Produced by iWant with the ABS-CBN Sports Digital team and director Enzo Marcos, “Dayories” traces the roots of Ange, Ricci, and Rhenz and the grit and grind it took for them to make an impact in the University Athletic Association of the Philippines (UAAP), the country’s premier collegiate league.
Para sa pagmamahal sa pamilya at sa basketball, tatlong superstar sa collegiate basketball ang nangahas na iwanan ang kanilang kinagisnan para matupad ang kani-kanilang mga pangarap.
Ikukuwento nina Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles, Rhenz Abando ng UST Growling Tigers, at Ricci Rivero ng UP Fighting Maroons ang kanilang naging lakbayin sa iWant original sports documentary “Dayories.”
Sa pagsasanib-pwersa ng iWant at ABS-CBN Sports Digital team at direktor na si Enzo Marcos, babalikan ng “Dayories” ang pinagmulan nina Ange, Ricci, and Rhenz at ang kanilang pinagdaanan bago nakilala sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ang primerong liga sa bansa.
“Excited kami dahil may iisang pakay lamang at iWant and ABS-CBN Sports at yun ang pagbigay inspirasyon sa mga kwentong aming makakalap. Magandang hakbangin rin ito dahil napapanood na ang UAAP gamit ang livestream sa iWant. Mas makikilala ng fans ang mga manlalaro ng UAAP sa mas malalim na paraan ng pagkwento,” bahagi ni ABS-CBN Sports digital head Mico Halili.
Sa unang episode, na mapapanood na sa iWant, ilalahad ang kwento ni Ange na pinanganak at lumaki sa Ivory Coast sa Africa, at naninirahan na sa bansa simula 2016, para makakuha ng edukasyon at habulin ang pangarap makapag-laro sa NBA.
Nakuha agad ng 21 anyos na manlalaro ang respeto ng komunidad ng UAAP nang kilalanin siya bilang Rookie of the Year at makatulong sa pagdepensa ng kanilang titulo, sa kabila ng hirap sa lenggwahe at pagkawalay sa kanyang ina.
Lalo pang hinusayan ni Kouame ngayong taon, bilang isang katakut-takot na presensiya sa loob ng court para itulak ang Ateneo sa perpektong record nito sa katatapos lamang na season.
Mapapanood naman sa ikalawang episode ang isa sa mga kinagigiliwang manlalaro na si Ricci Rivero, na lumipat mula sa De La Salle University. Balik sa simula sa academics at pati na rin sa basketball si Rivero sa kanyang paglipat sa Fighting Maroons. Sa labas naman ng court, patuloy na nakatutok ang spotlight sa Tourism major bilang isang product endorser, artista, at host.
Makikilala rin lalo ng fans si Rhenz, tubong La Union, na nagpakitang-gilas nitong nakaraang season. Mula sa pagiging di-kilalang probinsyano, isa na siya sa mga pinanonood na manlalaro ngayon. Nagkaroon man ng kontrobersiya si Rhenz sa kanyang unang taon sa UAAP, hindi ito nagpapigil sa kanyang pagtulong sa kanyang koponan na maka-abot sa Finals.
Lahat sila, iniwan ang kanilang kinagisnan para lamang habulin ang kanilang mga pangarap. Nakahanap sila ng mga bagong matatawag na Kapamilya, at pati na rin tahanan. Panoorin ang “Dayories” sa iWant simula sa unang episode na kinatatampukan ni Ange Kouame, streaming platform ng ABS-CBN na iWant.
Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang
www.facebook.com/iWant, at i-follow ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.
Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa
www.abscbnpr.com.