News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN bags five Anak TV Seals of Approval at the 2019 Anak TV Awards

December 09, 2019 AT 03:41 PM

Mga Kapamilya, umani ng 24 pagkilala mula sa Anak TV

ABS-CBN continues to be the choice for children as the Kapamilya network’s programs and personalities received a total of 24 awards at the recent Anak TV Awards.


ABS-CBN, nagtala ng limang Anak TV Seals of Approval sa 2019 Anak TV Awards​

Umani ng 24 na pagkilala ang ABS-CBN dahil sa mga programa at personalidad nitong may dalang aral at inspirasyon sa mga bata sa Anak TV Awards kamakailan lang.

Nakatanggap ng Anak TV Seal of Approval ang “Maalaala Mo Kaya,” “ASAP Natin ‘To,” “Nang Ngumiti Ang Langit,” “World of Dance,” at “Magandang Buhay” para sa kanilang programang positibo at nagdadala ng aral, aliw, at inspirasyon sa mga bata at buong pamilya.

Samantala, wagi rin ang “TV Patrol,” “It’s Showtime,” “Kadenang Ginto,” “FPJ’s ANg Probinsyano,” at “The General’s Daughter” na tumanggap ng Household Favorite award. Nakuha rin ito ng “Nang Ngumiti Ang Langit” para sa ikalawang karangalang nauwi nito sa naturang awards show.

Bukod sa mga palabas ng nangungunang media at entertainment company sa bansa, panalo rin ang mga bituin nito sa Anak TV Awards pagkatapos silang gawaran ng 13 na Makabata Star awards, sa pangunguna nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa sikat na loveteam, ginawaran din sina Jericho Rosales, Liza Soberano, Lea Salonga, Francine Diaz, Beauty Gonzalez, Yassi Pressman, Susan Roces, Luis Manzano, Matteo Guidicelli, Joshua Garcia, at Robi Domingo.

Taunang ginaganap ang Anak TV Awards bilang pagkilala sa mga programa at personalidad sa Pilipinas na child-sensitive. Ginanap ang seremonya para sa taong ito sa Soka Gakkai Building sa Quezon City.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa ‪abscbnpr.com