News Releases

English | Tagalog

Rufa Mae, minalas sa trabaho sa “Ipaglaban Mo”

February 01, 2019 AT 05:53 PM

Bad luck catches up with Rufa Mae in “Ipaglaban Mo”

Rufa Mae Quinto fights for her right after she was dismissed from her job by her employer who heeded the advice of a Feng Shiu expert this Saturday in “Ipaglaban Mo.”

Amo, nagtiwalang lubos sa payo ng Feng Shui expert
 
Ilalaban ni Rufa Mae Quinto ang kanyang karapatan matapos siyang tanggalin sa trabaho ng amo dahil ito ang payo ng isang Feng Shiu expert ngayong Sabado sa “Ipaglaban Mo.”
 
Kilalang masipag at masiyahin na tao si April (Ruffa Mae) kaya naman nakitaan siya ng potensyal ng isang businessman at kinuha siya nito sa spa na pinagmamay-ari nito. Walang pag-aatubili naman niya itong tinanggap dahil sa isa siyang breadwinner ng kanyang pamilya.
 
Naging maayos naman ang kanyang mga unang buwan at dahil na rin sa kanyang kasipagan, linalakad na ang promotion nito bilang manager.
 
Ngunit isang araw, darating ang kaibigan ng kanyang amo na Feng Shui expert at sasabihing tanggalin si April. Bagama’t ang Feng Shui ay gabay lamang at maaari pa ring gamitin ng kanyang amo ang free will nito ay buong puso nitong sinunod ang sabi ng kaibigang expert at agad siyang pinaalis sa trabaho.
 
Ano kaya ang susunod na gagawin ni April? Makabalik pa kaya siya sa spa na pinagtratrabahuan o mapabayaraan ang pinansalang nagawa nito sa kanya?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Akala,” sa direksyon ni Ludwig Peralta, ngayong Sabado (Pebrero 2), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.