News Releases

English | Tagalog

Marco, Krystal, at Bela maghahatid ng kilig ngayong Valentine's sa iWant

February 12, 2019 AT 11:13 AM

Marco, Krystal, and Bela celebrate Valentine's with romantic drama "Apple of My Eye" on iWant

On February 14, iWant streams the original romantic flick “Apple of My Eye,” created, co-written, and co-produced by Bela Padilla.

Bagong kwento ng pag-ibig ang maghahandog ng kilig at romansa ngayong araw ng mga puso dahil mapapanood na ang panibagong iWant original movie na “Appleof My Eye,” na isinulat ni Bela Padilla, ngayong Huwebes (Pebrero 14).

Matapos ang kanyang mahusay na pagkakasulat ng Star Cinema film na “Last Night,” muling nagbabalik si Bela sa pagtatrabaho sa likod ng kamera para sa kanyang kauna-unahang digital project, na siya rin ang lumikha at nagsilbing co-producer.

Dapat ding abangan ng iWant users ang bagong love team nina Marco Gumabao at Krystal Reyes na patutunayan ang kanilang chemistry at husay bilang on-screen partners.

Kilalanin si Michael (Marco), isang binatang nakadepende ang buhay sa teknolohiya. Mabilisan ang kanyang pamumuhay at nakabase sa digital world dahil na rin sa pagiging CEO niya ng isang software company.

Si Apple (Krystal) naman ay isang ulila na simpleng namumuhay kasama ang mga kamag-anak habang nagtatrabaho sa isang flower shop. Kahit dalaga na, mas pinipili pa rin niya ang tradisyonal na pamumuhay at umiiwas sa kaguluhan ng social media.

Bagama’t magkaiba ang mga mundo, pagtatagpuin sila ng tadhana matapos nilang mapasama sa isang aksidente. Mag-uumpisa sa awayan pero kalaunan ay mauuwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan sa patuloy nilang pagkakakilala sa isa’t-isa.

Pero hindi aayon sa kanila ang kapalaran dahil iba’t-ibang sekreto ng nakaraan ang mabubunyag na susubok sa kanilang relasyon.Mapanatili pa kaya nina Michael atApple ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa?

Ipinrodus ng Dreamscape Digital at ni Bela ang “Apple of My Eye,” na isinulat ni Bela kasama si Andrian Legazpi at idinirek naman ni James Robin Mayo.

Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Pilipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital, na siya ring nasa likod ng trending movie na “Glorious” at ang reunion project ng NashLene na “The Gift.”

Panoorin ang “Apple of My Eye” nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Ang iWant at Dreamscape Digital ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Maaari ring mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na panonood ng videos na valid ng pitong araw. Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.