News Releases

English | Tagalog

Enzo, pagdidiskitahan ng mga pulis sa "Ipaglaban Mo"

February 15, 2019 AT 11:26 AM

Enzo, takes the fall on “Ipaglaban Mo”

Enzo Pineda will prove that everyone is equal in the eyes of the law, no matter kind of education they received on “Ipaglaban Mo” this Saturday (February 16).

Sasamantalahin ang pagiging 'no read' para gawing suspek
 
Patutunayan ni Enzo Pineda na sa mata ng batas ay pantay-pantay lahat ng mga tao, ano man ang kanilang naabot na antas ng pag-aaral, ngayong Sabado (Pebrero 16) sa "Ipaglaban Mo."
 
Desidido ang water delivery boy na si Alex (Enzo) na umangat sa buhay bagama't hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Nagsusumikap siya sa kanyang trabaho para maipakita sa pamilya ng kanyang nobyang si Herlyn (Jane Oineza) na kaya niya itong itaguyod.
 
Lalong mahihirapan si Alex sa kanyang layunin dahil sa akusasyon ng mga pulis na siya ang pumatay sa kasambahay ng ginang na madalas niyang pinagdadalhan ng tubig. Palalagadin siya ng mga pulis sa isang dokumentong hindi niya maiintindihan dahil hindi siya marunong magbasa. Ito ang magdadala kay Alex sa piitan bilang isang mamamatay tao.
 
Ano ang sasabihin ng batas tungkol sa pagsasamantala ng mga pulis sa sitwasyon ni Alex? Maitatama pa ang nangyari sa kanya?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Akusasyon,” sa direksyon ni Barry Gonzales, ngayong Sabado (Pebrero 16), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.