News Releases

English | Tagalog

Gina Lopez at Nat Geo, magsa-sanib pwersa sa "G Diaries" Season 3

February 15, 2019 AT 04:18 PM

Gina Lopez teams up with Nat Geo for "G Diaries" Season 3

Gina Lopez’s award-winning travel show “G Diaries” on ABS-CBN is going global with a partnership with the National Geographic Society (NAT GEO) for its third season.

Mga komunidad sa “G Diaries,” mapapanood sa ibang bansa
 
Aabot na sa ibang bansa ang adbokasiya ng premyadong travel show ni Gina Lopez na “G Diaries” sa ABS-CBN sa pagkakaisa ng programa at ng National Geographic Society (NAT GEO) para sa ikatlong season nito.
 
Magbabalik ang “G Diaries” simula Marso 3 upang ibahagi ang kwento ng walong komunidad ng I LOVE (Investments in Loving Organizations or Village Economies) na bibigyan ng teknikal at pinansyal na suporta para sa mga proyektong isusulong nila upang maiangat ang kabuhayan sa kanilang lugar.
 
Nangako ang NAT GEO na ipapakita rin ang mga kwentong ito sa buong mundo sa iba-ibang plataporma nito sa TV at online. Makakasama sila ng “G Diaries” sa mga “I LOVE” sites sa Tublay, Benguet; Bulusan, Sorsogon; Sta Cruz Island, Zamboanga; Polomolok, South Cotabato; Lake Sebu, South Cotabato; Simunul Island at Bongao, Tawi Tawi; Upi, Maguindanao; at Maramag, Bukidnon, na tutulungang payamanin at palawakin ang mga industriyang natural sa kanila tulad ng agro-foresty, fishery, at ecotourism. 
 
Sa isang press conference noong Pebrero 15, pumirma si Lopez at ang Fox Networks Group Asia senior vice president at general manager na si Jude Turcuato ng memorandum of agreement upang pagtibayin ang pagsasanib-pwersa ng “G Diaries” at NAT GEO.
 
Mula 2017, sinusuportahan ng “G Diaries” ang adbokasiya ng I LOVE sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga karanasan ng mga komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng kanilang lugar. Noong 2018, nanalo ito ng Best Travel Show sa ika-32 na PMPC Star Awards at Most Development-Oriented Environment Program at the UP Gandingan Awards 2018.
 
Panoorin ang “G Diaries” Season 3 sa ABS-CBN tuwing Linggo simula March 3 ng 10am. Mapapanood rin ito sa TV sa ANC, the ABS-CBN News Channel at sa METRO Channel. Para sa iba pang impormasyon at para suportahan ang mga komunidad ng I LOVE, pumunta sa https://www.passitforward.com/u/ngo/1676#/stories. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o pumunta sawww.abscbnpr.com.