News Releases

English | Tagalog

Sports fans, mapapanood na ang mga paboritong liga at atleta sa iWant Sports

February 15, 2019 AT 01:05 PM

iWant keeps sports fans on top of the action with all-new Sports section

iWant launches the one-stop section iWant Sports, where passionate followers of different sports leagues can stream right at their fingertips all kinds of sports content on whatever device, whenever and wherever they are.

Sa panahon ngayon, mas mahirap nang makapanood ng live games o makakuha ng pinakahuling updates tungkol sa mga iniidolong sports stars dahil sa busy schedule sa trabaho man o skwela.
 
Ngunit mas mapapadali nang masundan ng Pinoy sports fans ang mga laro ng kanilang paboritong liga at atleta kahit saan, kahit kailan, at sa kahit anong device sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN, sa paglulunsad ng bagong section nitong iWant Sports.
 
Ilulunsad ang iWant Sports ngayong Sabado (Pebrero 16) kasabay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Women’s Volleyball Tournament tampok ang bakbakan ng pinakasikat na volleyball squads sa bansa na mapapanood nang live sa iWant.
 
Bukod sa livestreaming, maaari ring i-replay sa iWant Sports ang mga larong nakaligtaang panoorin, at mapanood din dito ang iba’t ibang news at lifestyle shows ng ABS-CBN S+A at ANC sa iilang click lang.
 

Matatagpuan sa iWant Sports at iba’t ibang sports content offerings para sa fans ng UAAP, National Collegiate Athletic Association (NCAA), Premier Volleyball League (PVL), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ASEAN Basketball League (ABL), Alab Pilipinas, Pinoy Pride, boxing events, at national tournaments.
 
Bukod sa mga laro, malilibang at matututo rin ang sports fans sa UAAP special na “University Town” (“U-Town”), na lumilibot sa iba’t ibang UAAP campuses para tuklasin ang kanilang sports history, awards, at pinakasikat na sports alumni. Sa lifestyle show namang “Upfront,” masisilip ang personal na buhay ng mga paboritong NCAA student-athletes. Usapang motoring naman ang tampok sa motoring show na “Rev.”
 
Para naman sa mga nagbabalak na simulan ang kanilang fitness goals, makakakuha sila ng tips sa “Sports U” na nagpapakita ng health at fitness regimen ng pinakasikat na celebrities sa bansa. Makakakuha rin ng inspirasyon ang iWant users sa naturang programa dahil sa mga kwento ng tagumpay, pag-asa, at pagsisikap ng mga manlalarong Pinoy.
 
Sa pamamagitan ng iWant Sports, makukuha rin ng sports fans ang pinakamaiinit na balita at komentaryo sa mundo ng sports sa “The Score” at sa sports talk show na “Hardball.”
 
Bukod sa mga ito, hatid din ng iWant Sports ang exciting na documentaries kagaya ng “UAAP G.O.A.T. (Greatest of All Teams),” tampok ang mga kwento ng tagumpay sa likod ng mga pinakamatatagumpay na teams sa kasaysayan ng UAAP at ang kung paano nila binago ang mundo ng basketball.
 
Huwag magpahuli sa aksyon at panoorin ang paborito mong sports kahit saan, kahit kailan, at kahit saang device mo gusto sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.
 
Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
 
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.