More viewers are embracing the benefits of digital terrestrial television (DTT) as ABS-CBN TVplus, the country’s pioneering DTT product, has sold 7 million boxes as of February, on its fourth anniversary.
CineMo, YeY, at ibang TVplus exclusive channels kabilang na sa pinakapinapanood ng viewers
Parami ng parami ang viewers ang nakakaranas ng magandang epekto ng digital TV dahil nakabenta na ang ABS-CBN ng 7 milyon na units ng ABS-CBN TVplus ngayong Pebrero, buwan ng ika-apat na taong anibersaryo nito.
Mas marami na ring kabahayan ang tumatangkilik sa malinaw na panonood ng exclusive DTT channels dahil nasa ikatlo at ika-apat na pwesto ang CineMo at YeY sa listahan ng most watched channels, ayon sa Kantar Media Q4 2018 report na sakop ang DTT households nationwide. Samantala, matapos inilunsad bilang bagong dagdag na channels sa TVplus noong 2018, nasungkit ng Jeepney TV ang ika-limang pwesto, habang nasa ika-anim at ika-walong pwesto naman ang Movie Central at Asianovela Channel sa most watched channels.
Sa kabilang dako, tinangkilik ng 1.2M unique TVplus customers ang KBO dahil sa ilang mga bagong pelikulang Pinoy na ipinapalabas nito. Mas naging madali na rin ang pag-register sa KBO dahil open na ito to all networks.
Ang ABS-CBN na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.
Naging maganda rin ang taong 2018 para sa ABS-CBN TVplus dahil mas maraming kabahayan na walang cable ang nagmamay-ari ng TVplus. Ayon sa isang Kantar Media establishment survey noong Agosto 2018, 72% ng non-cabled homes sa Metro Manila ay naka-TVplus na, kumpara sa 55% noong Agosto 2017. Sa Mega Manila, tumaas din sa 65% ang non-cabled homes na naka-TVplus mula sa dating 44%. Samantala, 57% na non-cabled homes na sa suburbs ang may TVplus sa tahanan, laban sa 33% noong Agosto 2017.
Inilunsad din noong 2018 ang limang bagong TVplus channels kabilang na ang Asianovela Channel, ang una at natatanging channel sa digital free TV na nagpapalabas ng uncut Asian dramas at movies. Bagong channel din ang Movie Central, ang unang first all-English movie channel sa digital free TV. Kinukumpleto ng MYX, Jeepney TV, at O Shopping, isang home TV shopping channel, ang lineup ng ABS-CBN TVplus kung saan extended ang free trial ng bagong channels.
Noong Nobyembre 2018, naging parte na ang Batangas sa signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus bukod sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao.
Marami ring Pilipino ang napasaya at nakaranas ng benepisyo ng ABS-CBN TVplus dahil sa iba’t ibang events nito tulad ng Sorpresaya Truck, kung saan binibisita ng Kapamilya stars ang malalayong probinsya para maghatid ng kaligayahan.