News Releases

English | Tagalog

NU Bullpups, minamata na ang korona sa UAAP Juniors sa ABS-CBN S+A

February 21, 2019 AT 10:12 AM

NU takes aim at UAAP Juniors crown on ABS-CBN S+A

Can the Bullpups finish the job or will the Blue Eaglets live to fight another day?

Susubukan nang sungkitin ng Nazareth School-National University (NSNU) Bullpups ang korona sa UAAP Juniors kontra Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Eaglets sa Game 2 ng UAAP Juniors Finals ngayong Biyernes (Pebrero 22), na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, iWant, at sports.abs-cbn.com mula sa FilOil Flying V Centre ng 3 pm.
 
Hindi nagpatinag ang Bullpups nang malamangan sila sa halftime sa Game 1 at nagpasabog ng 28-15 sa third quarter sa tulong ng kanilang big men na sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao, na hindi nagpasindak sa nagtatangkarang poste ng Ateneo na sina Kai Sotto at Geo Chiu. Sinabayan pa ng pag-arangkada nina Terrence Fortea at Gerry Abadiano, naiuwi ng Bullpups ang panalo sa iskor na 70-58.
   
Samantala,nadali ng turnovers ang Blue Eaglets, lima mula kay Sotto na nagtala rin ng 16 points at 15 rebounds, at walo sa baguhang point guard na si Forthsky Padrigao na unang beses sumabak sa Finals.
 
Naniniwala ang ABS-CBN Sports analyst na si Danica Jose na mahirap ang labang haharapin ng Blue Eaglets kahit nasa kanila pa ang MVP ng UAAP Juniors na si Kai Sotto.
 
“Pwede nating sabihin na epektibo talaga ang game plan ng NU kontra sa Ateneo, kung saan binibigyan nila ng pressure sa back court ang Blue Eaglets para lang hindi makatanggap agad ng bola si Kai. Sa tatlo nilang paghaharap, hindi pa natatalo ng Ateneo ang NU kahit nasa kanila pa si Sotto at Chiu. Pero nariyan pa rin ang championship experience ng Ateneo na mahirap tumbasan,” bahagi niya.
 
Makuha na kaya ng Bullpups ang korona sa Biyernes (Pebrero 22)? O papalag pa ang mga batang agila ng Ateneo?
 
Nagpapatuloy ang aksyon sa Finals ng UAAP Juniors basketball sa Game 2 sa Biyernes (Pebrero 22) kung saan susubukan nang pataubin ng NSNU Bullpups ang Ateneo Blue Eaglets ng 3 pm. Mapapanood ito ng LIVE mula sa FilOil Flying V Centre sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, na may kasamang livestream sa sports.abs-cbn.com at iWant.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa UAAP Juniors basketball at mga batang bituin nito, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.