News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, mayroon nang sports section sa iWant

February 28, 2019 AT 06:00 PM

ABS-CBN launches sports section on streaming service iWant

All the sports action you want and need at a moment's call!

Maaari nang mapanood ang pinakasikat na mga liga, torneo, at palabas tungkol sa sports sa streaming service ng ABS-CBN na iWant sa paglulunsad kamakailan ng iWant Sports.
 
Saan man naroon ang Pinoy sports fans, abot kamay na niya ang mga inaabangan niyang laro at atleta gamit ang anumang device sa bagong seksyon na ito ng iWant. Simula Pebrero 16, sa pagbubukas ng UAAP Season 81 Volleyball, nakakapanood na sa iWant Sports ng live na mga laban, mga highlight sa laro, at espesyal na mga balita at kwento sa mga liga at palaro tulad ng UAAP, NCAA, Premier Volleyball League, Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ASEAN Basketball League (ABL), Pinoy Pride, mga boxing event, at mga pambansang torneo.
 
Bukod pa riyan, maaari ring panoorin ang mga produksyon sa ABS-CBN S+A tulad ng “The Score,” “University Town,” “Upfront,”  “UAAP G.O.A.T,” at mga program sa ANC at ABS-CBN tulad ng “Rev,” “Hardball,” at “Sports U.”
 
Ayon kay ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena, mas marami pang Pilipino ang maabot, maaaliw, at mabibigyan ng inspirasyon ng mga pusong palaban na atleta ng Pilipinas sa pagkakaroon ng sports section sa iWant, na nagsimula ng 2019 na mayroon nang 11.3 million na subscriber.
 
“Alam namin na gusto ng ating diehard sports fans at manonood ng mga palabas sa sports na puno ng aksyon at drama. Nais namin padaliin para sa kanila na masundan ang mga laban at kwento sa pinakamalaki at sikat na mga liga sa bansa, kaya ipinagsama-sama namin ang mga palabas na ito sa iisang lokasyon sa online, at ito ang iWant Sports,” paliwanag niya.
 
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Panoorin ang mga paboritong palabas sa sports sa iWant, na may iOS at Android apps, at mapupuntahan sa web browser sa iwant.ph. Maaari na rin itong gamitin sa mga smart TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at i-follow ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.