Joross Gamboa's career has taken another exciting turn as he dabbles in directing and writing for the first time in iWant’s original movie “Allergy in Love.”
Masaya si Joross Gamboa sa mainit na pagtanggap ng iWant users sa original movie na “Allergy in Love,” ang unang pelikulang isinulat at idinirek niya.
Maituturing ngang katuparan ng pangarap para kay Joross ang pagpapalabas ng kanyang pelikula, lalo pa at nabuo ito kasama ang kanyang pinakamalalapit na kaibigan sa industriya.
“Iba ang fulfillment ng pagsulat at pagdirek sa pag-aartista. Kumbaga, ako ‘yung nagkwento, ‘di lang ako ang gumanap sa kwento,” sabi niya tungkol sa pelikulang pinagtulungan niyang buuin ang konsepto kasama ang producer nitong si Neil Arce at mga aktor na sina Ketchup Eusebio and Pocholo Barretto, na pareho ring nasa pelikula.
Isang linggo magmula nang maging available ang “Allergy in Love” sa iWant, nakapaghakot agad ito ng libo-libong views at naging pinakapinanood na iWant original sa ABS-CBN streaming service. Marami na rin ang naintriga sa takbo ng pelikula na tungkol sa isang lalaking nagkaka-allergy kapag tinatamaan ng pagnanasa. Sa katunayan, nakapagtala na ang trailer nito ng higit sa dalawang milyong views.
Ang mapangahas na kwento ng “Allergy in Love” ay tungkol sa kakaibang kundisyon ni Johnson Tayona (Pocholo). Bawal sa kanya ang makipaghalikan o makipagtalik dahil maaari niyang ikamatay ito, kaya naman pilit niyang iniiwasan ang tukso at maging ang pag-ibig. Dahil sa kundisyon, naging adbokasiya niya ang self-love at gumawa pa ng libro upang makapag-bigay inspirasyon sa iba.
Makikilala naman niya si Ayama (Chie Filomeno), isang dalagang matutulungan ng kanyang libro na maka-move on mula sa ex-boyfriend nito. Interesado makilala ang sumulat ng libro, hahanapin ni Ayama si Johnson at kalaunan ay mahuhulog para sa binata.
Sa dalas ng kanilang pagsasama, unti-unti ring makakaramdam ng pag-ibig si Johnson para kay Ayama. Ngunit ang kundisyon niya ang magiging balakid upang sundin ang puso dahil magdudulot ito ng matinding allergies sa kanya na maaari niyang ikamatay.
Makahanap pa nga kaya si Johnson ng lunas sa kanyang karamdaman? Paano nga ba siya matutulungan ni Ayama?
Kasama rin sa “Allergy in Love” ang online sensation na si Kat Galang at may espesyal na partisipasyon nina Carlo Aquino, Janus Del Prado, at Ketchup.
Umaasa si Joross na marami pang makapanood sa “Allergy in Love.” “Puro positive naman natanggap kong review sa fans and friends ko. That’s why I feel blessed na pinagkatiwalaan ako ng iWant sa proyektong ito. Ang masasabi ko lang, mas mahirap ang directing sa acting,” pagbabahagi niya.
Panoorin ang “Allergy in Love” nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o via web browser sa
iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Maaari ring mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na panonood ng videos na valid ng pitong araw. Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.
Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.