News Releases

English | Tagalog

Hit movies na "The Dawn of the Planet of the Apes," "This Means War," at "Prisoners," mapapanood ngayong Marso sa Movie Central

March 12, 2019 AT 11:39 AM

HIT MOVIES NA "THE DAWN OF THE PLANET OF THE APES," "THIS MEANS WAR," AT "PRISONERS" MAPAPANOOD NGAYONG MARSO

 

Mapapanood ng Movie Central viewers ang critically-acclaimed na "The Dawn of the Planet of the Apes" kasama ang kinagiliwang palabas na "Prisoners" at "This Means War"   ngayong Marso.

 

Ipapalabas ngayong Marso 30,  mapapanood muli ng publiko ang genetically enhanced chimpanzee na si Ceasar(Andy Serkis) 

na una ng nakilala sa pelikulang "The Rise of the Planet of the Apes."

 

Matapos ang Simian flu na nangyari sampung taong nakalipas, pilit na pagbubuklodin ni Ceasar ang apes at mga tao. Sa kanyang pagsunod sa kanyang layunin, tutulungan niya ang isang arkitekto na ayusin ang isang hydro dam para maisaayos muli ang San Francisco bridge. Ngunit ang kanilang relasyon ay magkakaroon ng lamat sa pagpatay ng isang ape sa isang tao na pagsisimulan ng isang gyera laban sa mga natitirang taong nakaligtas sa flu. Paano kaya ni Ceasar at kanyang kaibigan mapanatili sa kanilang lugar? 

 

Haharapin naman ni Hugh Jackman (Keller Dover) ang isa sa mga kinatatakutan ng bawat magulang nang ma-kidnap ang kanyang anak at kaibigan nito sa "Prisoners" sa Marso 16. Makakasama niya rito sa pelikula si Jake Gyllenhaal. 

 

Maari ring mapanood ang magbestfriends at CIA operatives FDR Foster na sina (Chris Pine) at Tuck (Tom Hardy) na gagamitin ang kanilang kaalaman para mabihag ang puso ni Lauren (Reese Witherspoon) sa "this Means War" (March 23). 

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.