iWant offers the new gritty socio-political action drama series “Bagman,” which stars Arjo Atayde, about an ordinary man who sacrifices his own moral values in order to provide for his family.
Susuungin ng streaming service na iWant ang masukal na mundo ng pulitika at mga makapangyarihang tao sa bagong original series nitong “Bagman” na masisimula nang mapanood sa Marso 20.
Bibida sa socio-political action drama series si Arjo, isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya. Dahil sa road-widening project ng munisipyo, nanganganib na ma-demolish ang sarili niyang barbershop na siyang pinagkukunan niya ng pang-araw-araw na kita.
Dahil buntis ang asawa, papayag si Benjo na gawin ang isang maliit na misyon para masalba ang kanyang barbershop. Para kumita ng karagdagang pera, papayag siyang maging bagsakan ang barbershop ng mga kahina-hinalang transaksyong maaaring magpahamak sa buhay niya.
Hindi kalaunan ay masisilaw si Benjo ng pera at kapangyarihan at pagsisilbihan ang gobernador ng kanilang probinsya bilang “bagman” nito.
Simula nito, unti-unting tatalikuran ni Benjo ang kinasanayang buhay at sariling paninindigan upang ilakad ang iba’t ibang transaksyon ng kanyang among pulitiko.
Sa pagkakalublob niya sa magulong mundo na puno ng kasinungalingan at katiwalian, makakabangga ni Benjo ang iba’t ibang tao at institusyon. Ngunit makakawala pa kaya siya mula rito?
Ipinrodus ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang “Bagman,” kung saan kasama rin sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre, at Raymond Bagatsing.
Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo. Ang unang anim na episodes nito ay magiging available sa iWant nang libre simula Marso 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes naman sa Abril 3.
Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Pilipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital, na siya ring nasa likod ng trending movie na “Glorious,” romantic dramas na “The Gift” at “Apple of My Eye,” at ang edgy series na “Project Feb. 14.”
Panoorin ang “Bagman” nang libre simula Marso 20 sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.