News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, Best TV Station sa ika-6 na Paragala Central Luzon Media Awards

March 22, 2019 AT 03:16 PM

ABS-CBN is Best TV Station in 6th Paragala Central Luzon Media Awards

ABS-CBN bags its fifth Best TV Station Award this year at the 6th Paragala Central Luzon Media Awards

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN Paragala Central Luzon Media Awards pagkatapos itong kilalanin bilang Best TV Station sa ika-anim na sunod na beses noong Marso 16 sa awards night na ginanap sa Holy Angel University theater sa Angeles City, Pampanga.
 
Nag-buslo ng 14 na parangal ang Kapamilya network kasama na ang Best Male News Anchor para kay “TV Patrol” at “Failon Ngayon” anchor Ted Failon, Best Female Field Reporter para naman sa ABS-CBN News senior correspondent na si Doris Bigornia, at Best Female Morning Show Host kay “Umagang Kay Ganda” anchor Amy Perez.
 
Nabigyan din ng kaukulang pagmamahal at pagkilala ang mga top-rating na programa ng kumpanya pati mga artista nito mula sa kabataan ng Central Luzon. Ginawaran ang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Best Teleserye kasabay ng pagkilala nito sa Hall of Fame. Kaakibat nito, nanalo si Coco Martin ng Best TV Actor at pumasok na din sa Hall of Fame, kasama ang programang pinagbibidahan niya bilang si Cardo Dalisay. Samantala, kinilala rin ang kanyang leading lady na si Yassi Pressman bilang Best TV Actress. Inuwi naman ng “It’s Showtime” ang tropeo ng Best Noontime Show habang Best Musical Variety Show naman ang tinanggap ng “ASAP Natin ‘To.”
 
Sa pagkamada ng Kapamilya network ng tropeo sa larangan ng pagbabalita at entertainment, nanguna naman sina Darryl Ong at Moira Dela Torre, na binigyan ng parangal bilang Best Male Recording Artist at Best Female Recording Artist, para sa larangan ng musika. Nanalo rin si Bianca Gonzales-Intal, isang kilalang influencer at host ng “Pinoy Big Brother Otso,” ng Best Online Influencer.
 
Ito na ang ikalimang Best TV Station award na napanalunan ng ABS-CBN para sa taong ito.
 
Binubuo ang Paragala Central Luzon Media Awards ng Holy Angel University ng 29 na eskwelahang nasa Central Luzon at nasa ika-anim na taon na ng pag-gawad ng pagkilala sa mundo ng media. Ang mga eskwelahang ito, kasama ang kanilang mga estudyante na umaabot ng halos 30,000, ang nagbobotohan para malaman kung sino ang papalaring manalo mula sa mga media network at programang nasa telebisyon.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at pumunta sa visit abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE