Chan brothers continue dad Jose Mari’s musical legacy, create own sound
Magkapatid na Chan, ipinagpapatuloy ang buhay-musika mula sa amang si Jose Mari
Nag-launch nitong Marso 29 ng self-titled full-length album ang magkapatid na Joe at Mike Chan mula sa Star Music.
Mayroong 10 orihinal na tracks ang bagong proyekto ng singer-songwriter na mga anak ng batikang OPM icon na si Jose Mari Chan, kabilang na ang dalawang instrumental songs na “Fernandina” na may tunog bossa nova at ang mala-rock na “If I Knew You Were Coming.”
Kabilang sa mga komposisyon ni Joe ang “The Waning Moon,” “Seven Lakes Drive,” “With Me Tonight,” “If I Knew You Were Coming,” at “Tell Her,” habang ang kapatid naman na si Mike ang kompositor ng mga kantang “Higher Degree,” “Finding It Hard,” “From Now On,” “Fernandina,” at “Meant To Be.”
Ang kanilang album ang nagsisilbing selebrasyon nina Joe at Mike sa ikalimang taon nila sa Star Music ngayong 2019.
Bukod sa paggawa ng kanta, marunong mag-piano at mag-gitara ang magkapatid. Kasama din sila sa bandang “Generation.”
Ang premyadong British band na “Beatles” at mga klasikong American rock na tema ang mga pangunahing impluwensya sa musika ng magkapatid na musikero.
Nai-record naman ang mga bagong kanta sa kanilang album sa Abbey Road Studio, na ginamit na pangalan ng kanilang idolong Beatles para sa isang album nito.
Bukod dito, naimpluwensiyahan din ang magkapatid ng mga kinalakhang komposisyon ng ama, hanggang sa mga big band ng 1940’s at 1950’s, pop at rock ng ‘60s at ‘70s, movie musicals, at mga musikang galing Broadway na napanood nila habang lumalaki sa New York.
I-stream ang pinakabagong album ng magkapatid na "Joe & Mike Chan" sa Spotify, Apple Music, at iba pang mga digital stores. Para sa mga updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o i-visit ang
www.abs-cbn.com/newsroom.